Chaptee 2: Saw

7 0 0
                                    

Habang naglalakad ako sa hallway ay sinuot ko na ang bracelet na binigay sakin nung principal. May mga nakatingin narin saking estudyante dahil sa suot kong bracelet. Meron din kasi silang mga bracelet pero ibang kulay, Navy Blue ang kanila at walang nakasulat rito na kahit ano. Di ko maiwasang mahiya sa kanila. May mga narinig pa nga akong isa sa mga bulungan nila

'Ay gosh girl! May scholar nanaman dito! At take note NERD pa! Haha'

'Oh my! Bakit ba kasi nagpapasok ng mga scholar dito at lahat pa ng tinatanggap ay mga ugly creatures'

'Oy pre, may nerd! May ibubully nanaman tayo! Hahaha'

Ilan lang yan sa mga narinig ko na komento para sakin. Grabehan lang talaga teh! Wala pa nga ako sa room namin ay ganyan na pano pa kaya pag nandun nako! Hayss. Wag ka nalang muna papa apekto sa mga iyan Yunice! Sanay ka naman na eh. Hanggang sa makarating nako sa room namin, lahat ng atensyon sakin napunta dahil binuksan ko ung pinto. Ng makita naman nila ako ay agad silang napatingin sa bracelet ko at ung iba binalewala nalang ung iba naman ngumisi ng nakakaloko at ung iba nagpi pigil ng tawa sanay naman nako riyan eh. Nilibot ko nalang ang paningin ko upang maghanap ng bakanteng upuan at gotyah! Nakahanap rin. Pumunta nako dun sa may bandang dulo ng binunggo ako ng isang babae. Di ko inaasahan yun kaya napa upo ako sa lakas ng impact. Nagtawan naman ang buong klase dahil dito. Tumayo naman ako kagad at nagpag pag. Yumuko nalang ulit ako at ng makarating nako ay agad akong umupo at naghead down dito.

Naalimpungatan naman ako ng bigla akong makarinig ng malakas na tilian ng mga babae at hiyawan naman sa mga lalake. 'Nakatulog pala ako. Di ko alam' yun nalang ang nasabi ko sa isip ko. Nakarinig naman ako ng mga tsismis at iba pang mga komento. At may biglang sumigaw ng "Ang gwa- gwapo niyo talaga Stonessss!! Kyaaahh" ng marinig ko iyon ay dahan dahan ko namang iniangat ang ulo ko. At nakita sa may pintuan ang siguro mga nasa apat na lalaki. Ngayon ko lang nalaman na may grupo grupo pala ditey! Pero impyernong panis! Lahat sila ay gwapo! Napansin ko naman na lahat sila ay sakin nakatingin. Gulp. Hala baka murderin ako ng mga toh dito sa acad ah. Huhu plsss hilpp meehh. Pero agad naman silang tumingin sa ibang direksyon at ng sundan ko iyon ay nakita kong tumingin sila sa isang grupo ng mga babae na may makakapal na make up sa mukha at kung makatingin sa kanila ay parang huhubaran na sila at ang lalapad ng mga ngiti nila at kumindat pa! Ganyan ba talaga sila dito sa school na toh?

Nerd's RevengeWhere stories live. Discover now