Chapter 2: Sila!

4.9K 58 2
                                    

Chapter 2: Sila!

Tatlong araw bago ang simula ng pasukan di mapakali si Raymond at nagpapagulong ito sa kama sa kwarto ni Timothy. “Pare tumigil ka nga, para kang bulate na nilagyan ng asin” sabi ni Tim at gigil na gigil niyakap ni Raymond ang unan sabay naupo. “Pare I cant stop thinking of her, ganito ba talaga pare?” tanong niya at natawa ang kanyang kaibigan.

“I cant understand what I am feeling. Para bang may mga magugulong ewan sa tiyan ko. Tapos di ko pa siya maalis sa isipan ko. Baka naman squatter na siya sa utak ko. Oh wait dapat pala politically correct term, informal settler siya sa utak ko. Pare ganito ka din ba noon kay Karen? Ano kaya sasabihin ko sa first day?” bigkas ni Raymond kaya tawa nalang ng tawa si Timothy.

Biglang nagbukas ang pinto at pumasok sa kwarto si Stephanie, si Raymond umalis sa kama at nakitabi sa kaibigan nya sa sahig. “Ano nanaman pinag uusapan niyo?” tanong ng dalaga at sinagot lang siya ng ngiti ng dalawang binata. “Oo pare ganyan talaga ang feeling. Ganyan din ako noong kay Karen eh” sabi ni Tim at lalong niyakap ni Raymond ang unan. “Actually pare second time ko na naranasan tong feeling na ganito” sabi ni Raymond at nagulat ang mag pinsan.

Tumawa ng malakas si Stephanie at nahiga sa kama habang tinuturo si Raymond. “Sinungaling!” banat niya at napangisi lang ang binata. “You mean nagkagusto ka na sa isang babae noon? Sino naman?” tanong ni Tim at nguniti si Raymond at sabi “Walanghiya ka alangan na nagkaganito ako para sa lalake? Nakaka ano ka na e. Naman pare, am I not a man capable of liking or having feelings for the opposite gender?” banat ni Raymond at nagtawanan yung tatlo.

“Ikaw nagkagusto na noon? Kung meron di kami aware” sabi ng dalaga. “Oo nga, baka naman artista sa TV pare” sabi ni Tim. “I am sorry to say pero I felt this same feeling before and somehow I still do. This same feeling I am having now I have felt for another woman” sagot ng binata. “Sino nga e!” sigaw ni Steph kaya tinitigan siya ng binata. “Si Pipay” sagot ni Raymond at nagtinginan ang magpinsan at nagtawanan.

“Sino naman yang Pipay na yan? Bakit di namin alam na may Pipay? Baka naman gawa gawa lang yan ng imahinasyon mo ha” sabi ng dalaga at huminga ng malalim si Raymond at tumingin sa malayo. “Wala, hayaan niyo na si Pipay, may sariling mundo yon e”

 “Simula palang alam ko wala ako pag asa don kaya hanggang like nalang. Pwede naman yung ganon diba? Low expectation lang para di masyado mataas babagsakan kung sakali” banat ni Raymond at di parin makapaniwala si Timothy sa sinasabi ng kaibigan nya.

“As in pare meron talagang Pipay?” tanong ni Tim at niyakap ni Raymond ang unan ng mas matindi. “Pare sa tingin mo… si Margaret e..” paputol na sinabi ng binata pero naintindihan agad ng matalik nyang kaibigan. “Pare yung sinasabi mong Pipay di ka gumalaw kaya di mo narin malalaman diba? E now if you really like her tulungan kita para maligawan mo siya” sabi ni Tim at napangiti ang bestfriend niya.

“So pano nga ba pare? Pano ba talaga manligaw?” tanong ni Raymond at tumawa si Stephanie at tinignan ang pinsan niya. “Sige nga insan tignan ko nga kung tama, sige nga payuan mo nga si Monching” sabi ng dalaga at nagulat si Raymond. “Monching?” tanong niya at tinignan si Steph. Tulala ang dalaga at nakita niya ang pinsan niyang patagong tumatawa.

“Sino si Monching?” tanong ulit ni Raymond at tumingin sa kisame si Steph at huminga ng malalim. “Sino pa kaya ano? Alangan na ako, siyempre ikaw duh! Ang slow mo talaga, Raymond o nickname Monching, geez naman Neanderthal brain ka” banat ng dalaga sabay tinignan niya si Raymond at nagulat pagkat nakangiti ito sa kanya.

Em En KayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon