Chapter 9: Em Em Kay

3.7K 53 4
                                    

Chapter 9: Em Em Kay

Lunes ng umaga papasok ang tatlo, kakaibang saya ang nararamdaman ni Steph at napansin ni Tim na masyado malapit ang dikit niya sa kaibigan niya. Pagpasok nila sa campus ay agad sila sinalubong ni Margaret. “Ay sorry about Saturday” sabi agad ni Raymond. “Oh no, okay lang, Marwin picked me up early. Okay na kami. Di ko alam number mo so akala ko pumunta ka sa mall” sabi ni Margaret at napangiti si Steph.

“Ah di nga ako nakapunta e, buti naman at okay na kayo” sagot ni Raymond. “Yup, pero I want you to stick around. Yun lang sige see you in class” sabi ni Margaret sabay alis. “Stick around ano ako bubble gum?” bulong ni Raymond sabay napakamot sa ulo.

Nanlisik ang mga mata ni Steph pero tinignan siya ni Raymond. “Sige alis na ako” sabi ni Steph. “Oist, MMK” sabi bigla ni Raymond at napalingon ang dalaga. “Ano?” tanong niya at ngumiti si Raymond. “MMK!” ulit ng binata. “Bakit yung MMK? Ano ba nangyari sa episode last Saturday?” tanong ni Steph at biglang tumawa si Raymond.

“Di yon, wala wala basta MMK” sabi ng binata at naglakad na sila paalis ni Tim. “Hoy, malalaman ko din ano nangyari sa MMK, magtatanong ako!” sigaw ni Steph. “MMK!” sigaw ni Raymond sabay kaway at nagbigay pa ng flying kiss. Natawa ang dalaga at nung nakatalikod na ang binata sinalo niya yung kiss ang dinampi sa kanyang labi.

Lunch time at muling kasama si Margaret sa grupo pero di mapakali si Steph. “Oy nagtanong na ako sa mga kaklase ko, nakwento nila yung story pero di ko gets ano gusto mo ipahiwatig” sabi ni Steph. “Ano yon?” tanong ni Margaret at di pinansin ni Steph ang dalaga. “Bakit ba kasi? Bothered ka?” tanong ni Raymond. “Ano ba kasi yon?” tanong ulit ni Margaret. “MMK” sabi ni Steph pataray. “O whats with the show? I watched it kasi my mom watched it” sagot ni Margaret at biglang pinakwento ni Step hang nangyari.

For the first time nag usap ng matino ang dalawang dalaga na kinagulat ni Raymond at Tim. “I see, oh Monching don’t tell me ikaw yung sender e babae yung bida” sabi ni Steph at nagtawanan sila ni Margaret. “Or maybe he is trying to tell us na he watches the show, unusual for boys” tukso ni Margaret at lalo pang nagtawanan ang dalawa at nakisama pa si Tim. “Ikaw ha, mahilig ka pala sa ganon ha” biro ni Steph at napangisi nalang si Raymond.

After lunch hihiwalay na si Steph bigla siya binulungan ni Raymond, “MMK” sabi nya at lalong naintriga si Steph. “Oo na oo na, sige sa Sabado samahan kita manood, dalhan kita ng tissue baka gusto mo may kasamang iiyak” biro ni Steph at muli silang naghalakhalakan ni Margaret. “Ah wait, lagi ka sa kanila?” tanong ni Margaret. “Hmmm minsan, pero usually siya ang pumupunta sa amin” sagot ni Steph at biglang di maipinta ang itsura ni Margaret.

Miyerkules ng gabi dumalaw si Raymond sa kwarto ni Tim at tinulungan niya ang kaibigan niya para mag aral. Pumasok sa kwarto si Steph at nakitabi kay Raymond sa sahig. “Ay oo nga pala, may competition sa Baguio this coming Friday and Saturday, at isa ako sa mga contestants” sabi ni Raymond at nagulat ang magpinsan. “Ikaw? Joketime ba ito?” tanong ni Steph at tumawa si Raymond.

“Totoo e, natatawa nga ako e kasi tamad naman talaga ako mag aral, kaya medyo kinakabahan nga ako di ko naman talaga linya tong palaaral e” sabi ni Raymond at nagtawanan ang tatlo. “Yan kasi paka genius epek dahil hurt broken” tukso ni Steph. “Oo nga pre, di ka naman na hurt broken ah bakit ka pa aral ng aral?” tanong ni Tim. “Hmmm oo di ako hurt broken, pero pare mas masarap pala mag aral pag inspired ka” biglang banat ni Raymond at lalong nagulat ang dalawa.

Em En KayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon