Chapter 13: Doubt

3.2K 42 1
                                    

Chapter 13: Doubt

Lingo ng umaga sa kwarto ni Tim, nandon si Steph at si Karen. Nakahiga ang magsyota sa kama habang si Steph nakatayo at game na game nagkwekwento. “Oo grabe imagine pinapunta ako don tapos seafoods pala lahat ng handa. Hay grabe nakita niyo sana si Monching talaga ang galing niya” kwento ng dalaga sabay kinikilig.

“Di bagay ang pink sa green sabi nya don sa bitch na yon ah. Tapos muntik sila mag away ni Marwin pero ang galing galing nya talaga grabe. Ano gusto mo gwapong lumpo o pangit na varsity? Di nadadaan sa kagwapuhan ang suntukan. Kung nakadecide ka ano gusto mo puntahan mo ako” sabi ni Steph habang gaya gaya ang tono ni Raymond at aliw na aliw ang dalawa sa kama.

“Hay naku Steph kanina mo pa umaga inuulit ulit yang kwento na yan” sabi ni Tim. “Oo nga, ang gusto namin sabihin mo yung nangyari after at ano sinagot mo?” sabi ni Karen at napangiti si Steph at naupo sa sahig. “Like what is said, teka teka kinikilig nanaman ako…sabi nya mahal niya ako” kwento ni Steph at kinilig din yung dalagang nasa kama.

“And then? Ano sinabi mo sa kanya?” tanong ni Karen at napasimangot si Steph. “Alam niyo grabe parang dinig na dinig ko ang pintig ng puso ko na napakalakas. Automatic akong napangiti, di makagalaw mga labi ko, parang gusto ko lang maulit ulit niya sabihin mahal niya ako. At that moment I was so happy, so happy, but…parang nagkadoubt ako. I mean oo aminado ako I do really like him, love him oo I do but parang bakit may doubt ako?” sabi ni Steph.

“Ha? Sira ka talaga! So what did you tell him?” tanong ni Karen na biglang napaupo. “I said…I don’t believe you” sagot ng dalaga at pati si Tim napabangon sa kama. “Yan na sinasabi ko e, ikaw may problema e. Yan na nga ang gusto mo tapos sasabihin mo you don’t believe him? Kristine Stephanie Vera ikinahihiya kita! Ahahaha joke lang pero insan siraulo ka ba?” banat ni Tim at lalong napasimangot si Steph.

“Karen maiintindihan mo ako diba? I do love him but may doubt ako e. I mean bakit now lang? E sino ba nag inspire sa kanya mag aral ng mabuti? Sabi mo nga insan na he studies para di niya maisip si Margaret diba? Tapos sabi din niya hindi si Margaret ang talagang iniisip niya lagi, si  Pipay. Oo wala na si Margaret pero may Pipay pa naman ah. E ano ako? Bakit ako never niya nabanggit before? Ayun ang gumugulo sa isip ko. Ano ako last resort? Napansin ba niya na love ko siya so nagdecide siya na magsabi ng ganon sa akin?” drama ni Steph at tumayo na si Karen at nakitabi sa kanya.

“So anong sinabi niya after?” tanong ni Karen at huminga ng malalim si Steph at naluha. “Karen…ramdam ko ang kalungkutan niya nang sinabi ko di ako naniniwala sa kanya. Parang nakita ko namuo mga luha niya. Pero nagpatawa nalang siya at nag iba ng topic pero bakit ganon? Naniniwala ako sa kanya na hindi. Shet parang pumalpak nanaman ako Karen” sabi ni Steph at tuluyan na siyang naiyak.

“Gaga wag kang ganyan, the good thing is he admitted na he loves you. Okay lets take it from there. Now sabi mo may doubt ka diba?” sabi ni Karen. “Oo eh pero normal lang naman yon diba?” sagot ni Steph. “Oo normal lang yon, gusto mo lang matanggal yung doubt talaga so ask him. Ganon lang kasimple yon” payo ni Karen. “Ask him what?” tanong ni Steph.

“Ask him about yung doubts mo. Ask him about Pipay. Alam ko naman siya nalang humahadlang e diba?” sabi ni Karen. “Oo nga e, sino ba kasi yang Pipay na yan? Kung wala lang siya okay na sana e” sabi ni Steph. “So kung gusto mo maliwanagan then go to him and ask him. Diretsuhin mo, sabihin mo ang tunay mong nararamdaman ang force Pipay out” payo ni Karen at pinunasan ni Steph ang mga luha niya at biglang tumayo.

Em En KayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon