Chapter 3: Ako!

3.6K 50 3
                                    

Chapter 3: Ako!

Dalawang lingo ang lumipas at nakadungaw sa bintana si Raymond habang nagsasalita ang kanilang propesor. “I am so happy to announce that for the first time sa pagtuturo ko ay meron na din nakaperfect ng isa kong quiz. This is such a momentous occasion, a very rare one” sabi ng kanilang guro ngunit bigla niya napansin si Raymond.

“Mister De Guzman! If you are not interested in my class you may step out! I do not like to do this but I always notice you are always staring outside during my class! Is my class not interesting enough for you? Or would you like stay outside instead?” sigaw ng propesor.

“Sir lahat ng subject ganyan yan!” sabi bigla ni Marwin sabay nagtawanan ang buong klase. Humarap si Raymond sa propesor ngunit biglang kinuha ng guro ang kanilang quiz papers at hinanap ang kanyang papel. “Tignan ko nga kung ano nakuha mo, alam mo I do not need students who are not interested in what I teach…eto here it is” sabi ng propesor ngunit nanlaki ang mga mata nito sabay tinignan niya si Raymond.

Di mapakali ang guro at napabuntong hininga habang si Raymond ay nakatitig lang sa kanya. “Here come get your paper and will you show your solution on the board. It so happens that mister De Guzman perfected my quiz” sabi ng propesor at nagulat ang lahat ng kanyang mga kaklase.

Tumayo si Raymond at kinuha ang kanyang papel, namulot ng chalk at nagsimula magsulat sa pisara. “Did you cheat?” tanong ng propesor at napatigil si Raymond at tinignan siya. Tiniklop ni Raymond ang papel niya at binulsa sabay sinolve ang lahat ng problem sa pisara.

Nang natapos siya wala masabi ang guro nya ngunit nagngingitian ang buong klase pagkat tila nasupalpalan ang terror nilang guro. Halos lahat ng subjects nila pinakamataas ang nakuha ni Raymond na talagang ikinagulat ng matalik niyang kaibigan at sa bago matapos ang huli nilang klase ay di na matiis ni Tim magtanong. “Pare ikaw pa ba yan?” biro nya at tumawa si Raymond. “Oo naman pare bakit?” sagot ng kaibigan niya.

“Parang di ikaw e, nung highschool ikaw lagi lowest ah” sabi ni Tim at lalo sila nagtawanan. “Teka teka don’t tell me nag aaral ka na para mapaimpress mo siya no?” hirit ni Tim at napasimangot si Raymond. “Alam mo pare, you can do amazing things pag inspired ka, am I inspired?” sabi ng binata at nagulat ang bestfriend niya.

“Wow that deep pare ah, hoy bakit palaaral ka na?” sumbat ni Tim at napabuntong hininga si Raymond sabay silip kay Margaret. “Oo tanggap ko na sila na, pero pare di ko siya maalis sa isipan ko e. Kaya pag gabi para di ko siya maisip nagbabasa nalang ako ng libro para busy utak ko. Ginagawa ko yon hanggang sa inaantok na talaga ako. Eto ang epekto, maganda din pala no?” paliwanag ni Raymond.

“Imagine mo pre, kung nung highschool naheartbroken ako siguro valedictorian ako no?” dagdag niya at nagtawanan sila. “O kaya pare sa tingin mo ba lahat ng valedictoria, mga cum laude at mga matalino…heart broken din kaya sila?” hirit nya at tawa ng tawa si Tim.

“Seriously pare, parang ganon e. Kasi they feel different, so imbes na mag emo effect sila binubuhos nila lungkot at lumbay nila sa pagbabasa. Di ko alam kung tama ako pero parang ganon e. Para iwasan ko ang sakit kaiisip sa kanya binubuhos ko nalang oras ko sa pagbabasa para talagang busy utak ko. Less chance of thinking of her” hirit ni Raymond.

Em En KayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon