Chapter 4: Dito!

3.7K 49 2
                                    

Chapter 4: Dito!

Sumapit ang Agosto at special day ni Timothy pagkat birthday niya. Maganda ang timing pagkat Sunday kaya abalang abala ang tatlo inaayos ang bahay pagkat madami dadating na mga bisita. “Ah Raymond pre, ah mamaya kasi e…” sabi ni Tim pero sinaway siya ng kaibigan niya. “Pare whatever it is okay lang kasi birthday mo today. Kahit ano hilingin mo pre sabihin mo lang” sabi ng binata at nagkatinginan lang ang magpinsan.

“Pre e may mga pupuntang mga friends” sabi ni Tim, “Pare naman, your friends are my friends too, coz your friend are my friends and my friends are your friend. The more we get together the happier are we” kanya ni Raymond at nagbungisngis konti yung magpinsan.

“Oy birthday mo pare maupo ka nga lang at kami na mag aayos” sabi ni Raymond at di parin mapakali ang birthday boy. Pati si Stephanie nag aalala at wala na siya magawa kundi mapatingin sa pinsan niya. “Diretsuhin mo na kasi” bulong ng dalaga. “I cant, nahihiya ako baka sabihin niya sinasadya ko, bahala na” sagot ni Tim.

Isang oras pa at nagsidatingan na ang mga bisita, nagsimula ang kainan at abalang abala sina Raymond at Steph na nagserve ng pagkain. Natapos ang kainan nagtipon tipon ang lahat para sa inuman, naupo si Raymond sa tabi ng bestfriend niya habang si Steph ay inasikaso ang mga kumakain pa.

Kinakantyawan ng lahat si Raymond na uminom pero tumanggi ito. “Sorry mga pre, panata ko talaga never ako titikim ng alcohol for life, iba nalang ipagawa niyo, o kaya kiss ko nalang si Tim” sabi nya at hinalikan niya ang birthday boy sa pisngi at ang tindi ng tawanan ng lahat.

“Pare happy birthday, I love you pare” banat ni Raymond at lalo pang nagwala ang lahat. “Oy Raymond nagseselos na ako” sabi ni Karen kaya yumakap naman si Tim sa girlfriend niya at hinalikan sa pisngi. “Ay Ay Ay break na tayo!!! How dare you kiss that woman in front of me! How dare you! How about my feelings? Am I not human enough to also get hurt?” patawa ni Raymond at halos sumakit na ang tyan ng lahat sa pagpapatawa niya.

Para makibagay si Raymond ang naging tanggero ng grupo at habang nagbubuhos siya ng alak ay may bumati ng malakas. “Happy birthday Timots!!! Sorry late kami!!!” sigaw ni Marwin sabay kaway sa birthday boy. Ngumiti si Tim sabay ngiti pero agad tinignan ang kaibigan niya na nakayuko ang ulo at pinagmamasdan ang baso na may alak.

“Tim, happy birthday pare, okay lang ako. Wag mo ako intindihin. Happy happy lang” sabi ni Raymond sabay bigla niya tinungga ang laman ng baso na kinagulat ng lahat. Pati si Steph nabigla sa nakita niya at biglang sumigaw si Raymond.

“Ang laswa ng lasa!!! Whoooo!!! This is a good time to learn how to drink!! Tagay pa!!! Nyeta pwede ba lagyan ng asukal to?” sigaw ni Raymond. Pinuno ulit ni Raymond ang baso sabay tinungga, lumapit si Steph at nag alala. “Pareho parin ang lasa, malaswa!!! Ang init!!! Whooo!!” sigaw ng binata at nagkatawanan ulit ang grupo.

“Hoy! Ano ka ba?” sabi ni Steph pero nginitian lang siya ni Raymond. “Pigilin mo nga yan insan” utos ni Steph pero walang magawa si Tim at Karen. “Anong pigilan? Birthday ni Tim at nakikibagay lang ako no. Oh come on there is a first time for everything” sabi ni Raymond.

Naupo si Steph sa tabi niya, “Insan asikasuhin mo naman sina Marwin” sabi ni Tim. “Sus, matanda na yan at alam naman siguro nila nasan ang pagkain” sumbat ng dalaga sabay tinignan siya ni Raymond. “Appear tayo! May kakampi pala ako dito. Shhhh baka marinig ahahaha tagay pa!!!” sabi ng binata at nagpaikot ulit sya ng baso.

Em En KayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon