Chapter 5: Tayo

4.1K 54 2
                                    

Chapter 5: Tayo

Lunes ng umaga masakit ang ulo ni Tim ngunit si Raymond biglang napangiti. “Oy ano nginingiti mo?” tanong ni Tim sabay masahe sa ulo nya. Sinundan niya ang mga mata ni Raymond at paglingon niya nakita niya si Margaret na nakatayo at kausap si Marwin. “Hoy tado ka bakit mo siya nginingitian?” tanong ni Tim at tumawa ang bestfriend niya. “Pare its just a smile, how harmful can a smile be?” sagot niya.

“Akala ko ba e suko ka na?” hirit ni Tim at nag ayos na si Raymond at tumingin sa labas ng bintana. “Pare suko na nga ako e, this is part of moving on, buti nga di ako nagtry manligaw sabay banatan lang ako ng I like you just as a friend. Oooohhh mga palusot nila ayaw pa diretsuhin na pangit ka di kita type”

“Kaya kunwari friend lang kita na like pero yung like being considerate sa feelings lang yon lang yon. Di pa diretsuhin na sorry di kita type. Mas prangka mas tanggap at din a mag iisip ng iba iba pang rason” litanya ni Raymond at tawa ng tawa si Tim at sinuntok ang braso ng kaibigan niya. “Wag kang magpapatawa at masakit ang ulo ko!” sabi niya.

“Bakit totoo naman e. Uy sorry ha, pero kasi I am not looking for a relationship right now…with a pangit person. Pero if you were so gwapo like Marwin then you know naman yes agad hihi. I hope you can understand kasi I am not ready yet for a person like you. Oh wait are you even a person?”

“O kaya, sorry ha kasi strict parents ko…sa pangit! Duh! Pero kung gwapo ka pwede kita iparada sa harapan nila o kaya pati sa lugar namin. Papagawa pa ako ng mga banner ng mga mukha natin para sabihin sa mundo akin ka…pero pangit ka kasi e…if ever Xerox ka nalang, yung malabo pa. Di ko lang maisip pano kita ipapakilala kaya to spare the pain in thinking of a reason, strict ang parents ko” hirit ni Raymond at tuluyan natawa si Tim at lalong sumakit ang kanyang ulo.

“I am sorry but I see you as just like a brother…the prodigal son na nawala at di na hinanap kasi mas magandang nawala. Sana prangkahan nalang na sorry di kita type. Diba? Mas madali yon tanggapin kesa naman pag iisipin ka pa at papaniwalain sa pekeng rason” hirit ni Raymond at hinahaplos haplos nalang ni Tim ulo niya habang tumatawa.

Pagsapit ng lunch break ay tumayo lang si Raymond sa labas ng classroom nila habang pinipilit na siya ni Tim umalis sila. “Teka lang pre, please, two minutes” hiling ng binata at sumandal nalang bestfriend niya sa dingding at huminga ng malalim. “Ang labo mo pare, you are still staring at her, ganyan ba ang sumuko na? Paa sa lupa pare, wake up ka nga” sermon ni Tim pero ngumiti si Raymond at nagulat ang kaibigan niya nang nakangiti din si Margaret na papalapit sa kanila.

“Binibini sa aking…o kay ganda o kay ganda magpahalay sa iyooo” pabulong na kanta ni Raymond kaya natawa si Tim at binatukan siya. “Tado hindi halay yon. Ang laswa tuloy ng kanta mo” bulong niya. “Ha? Tado ka din, macocontrol ko pa ba utak ko pag papalapit na siya? My mind is in total loco loco motion with you” landi ng binata at nagbungisngisan yung dalawa.

“Hi, sorry for waiting, ano sa labas nalang tayo lunch?” sabi ni Margaret at halos malaglag ang panga ni Tim sa narinig nya. “Sa labas nalang tayo mas madami pagpipilian” sagot ni Raymond at nagsimula na sila maglakad palabas ng gate pero tulala parin si Tim. “Pare, hindi panaginip to, hindi ka tulog, this is real. Youre mind is not fooling you” bulong ni Raymond sa kaibigan niya sabay tumawa.

Sa isang maliit na karinderya sila kumain at di ulit makapaniwala si Tim pagkat magkatabi sila magkaupo. Habang kumakain ay nahuli ni Margaret na pinagmamasdan siya ni Raymond, “Gusto mo din nitong ampalaya? Eto o kuha ka” sabi ng dalaga pero umayaw ang binata.

Em En KayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon