Chapter 5
Chloe's POV
Aargh. Ang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak.
Kinapa ko yung side table sa kama ko. Bat wala? San napunta yun?
Inikot ko yung paningin ko sa kwarto. Blue? Hindi naman kulay blue yung kwarto ko aa. Nasaan ako? Sht.
Maya maya ay bumukas ang pinto ng kwarto. Isang hot na lalaking topless ang tumambad sakin. Di ko siya makilala. Masyado masakit ang ulo ko para mag isip pa.
"Buti naman at gising ka na. Teka, igagawa kita ng inumin." sabi niya at akmang lalabas na.
"Wait. Kung sino ka man. Asan ako? At bakit kasama kita?" tanong ko sa kanya habang minamasahe ang ulo ko.
"Later." and with that, Tuluyan na siyang umalis.
Tumayo na ko at pumunta sa CR. Ginawa ang mga dapat gawin. Medyo nahimasmasan na ko. Malinaw ko ng nakikita yung paligid ko.
Kaninong kwarto to? Ano ba nangyari kagabi? Wala kong maalala. Bwiset!
*riiiiiiiiiing*
Napatingin ako sa may kama. Nandun yung mga gamit ko. Thank God! Agad kong sinagot kung sino man yung tumatawag.
"Hello?"
[For pete's sake. Buti naman at sinagot mo na. Where are you?] Sht. Nakalimutan ko si Kuya Xian.
"A-andito ko kila Clint kuya. Sorry for not informing you last night. Na deadbatt ako eh."
[Sigh. You're always making me worry Princess. Next time, tell me kung mag oover night ka with your friends. Nag aalala kami sayo eh.]
"Di na mauulit kuya. Sorry."
[Its Ok. Go home before 6pm. Pupunta si Aunt Minerva. Hahanapin ka nun.]
"Noted Kuya. Haha. Bye. I'll hung up na."
[Bye.]
Hayy. Buti nalang mabait si Kuya at hindi ako pinagalitan. Pupunta pala si Aunt Minerva mamaya. Naku, kukulitin nanaman ako nun kay Clint. Yup, crush ko po si Clint at si Aunty lang ang nakaka alam. Ang mga Dyosa ay nagkakacrush din naman noh.
"Kuya's Girl ka pala." napalingon ako sa nagsalita
"Don't you know that eavesdroping is bad?... Vien?!" tsk. How come in the world na nandito ko sa bahay niya?!
"Finally. Here, drink this. It'll make you feel better." kinuha ko yung inaabot niya tapos dire diretso kong ininom.
"Thanks. Btw, what's this?" mukha kasi siyang tubig pero matamis.
"Haha. Tubig yan na may honey. Yan yung pinapainom sakin ni Mommy pag may hang-over ako."
Mommy. Noong mga bata pa kami ni kuya, laging kaming nakikipaglaro kay Mommy. Close na close nga kami eh. Siya yung unang bestfriend ko, pangalawa lang si kuya.
Pero nung nagtayo na si Mommy ng sarili niyang business, nabawasan na yung time niya samin ni Kuya. Mas pinaprioritize na niya yung business kesa samin. Nagtampo nga ko nun sa kanya eh. Pero pinaintindindi naman sakin lahat ni kuya kaya ok lang.
Ngayon, paminsan minsan na lang namin siya nakakasama kasi lagi silang may business trip ni Dad sa iba't ibang bansa. Pero they make sure na every important event samin ay nandun sila.
"Hello. Earth to Chloe. Earth to Chloe. Andyan ka pa ba?" napabalik naman ako sa realidad sa sinabi niya.
"H-huh?"
BINABASA MO ANG
Cupid and I
Ficção AdolescenteChloe just want a normal and easy life for herself. But no. Life is too unfair for her. The total opposite of want she want is happening to her now. All of the most unexpected things, the one she can't really imagine, is right before her own eyes no...