Chapter 13: Under the Rain

8 1 0
                                    

Chapter 13: Under the Rain

"Baby, nasa labas na yung sundo mo!" rinig kong sigaw ni Mommy.

Na-late kasi ako ng gising dahil late na kami umuwi ni Cupid kagabi.

"Andyan na Mom!" sabay kain ko ng huling piece ng tinapay.

Hala! Hindi pa pala ako ng totoothbrush. Aish. Mabilisang brush na nga lang. Tumakbo na agad ako sa kwarto ko para makapag toothbrush na.

"Princess, kanina pa bumubusina si Clint! Babain mo na!" pumasok na si kuya sa kwarto ko.

"Wait lang kuya! Malapit na," niretouch ko lang saglit yung make-up ko after, tapos bumaba na ako.

"Magpapasundo na nga lang, ang bagal pa," singhal sa akin ni kuya pagkababa ko.

I rolled eyes. "I love you too, kuya."

Ibang kotse yung naabutan kong nag-aantay sa labas. Sigurado akong hindi kay Clint yan kasi pag sinusundo niya ako lumalabas siya ng kotse eh.

"Chloe, sasabay ka ba o hindi?!" sigaw niya habang bumubusina.

Psh. Sabi na nga ba eh.

"Ang ingay mo Vien! Itigil mo nga yan!" agad din naman niyang tinigil yung pagbusina. Nakakahiya kila Mom. Akala pa naman nila si Clint to.

Tahimik lang kami ni Vien buong biyahe. Naktingin lang ako sa labas at katext sina Mitch at Sica. Pero siyempre joke lang yun. Asa pa kong tatahimik siya. Buong biyahe kaming nag-aasaran at nag-pipikunan. 

Nauna akong bumaba sa kanya pagkadating namin sa parking lot ng school.

"Oh my gosh! Magkasabay sila pumasok ni Vien. Baka sila na!" rinig kong sigaw nung babae sa gilid. Eh ano kung sabay kami?

"Ano pa ba tinatayo-tayo mo dyan Chloe? Tara na." Nilagpasan lang namin yung mga babaeng nagbubulungan.

"Gosh! Oo nga girl. Tignan mo oh. I'm so inggit na." I mentally rolled eyes. Bakit ba napaka tamang hinala ng mga tao? Nakakabwisit na aa!

"Ang aga-aga nakasimangot ka. Ngiti naman dyan." Napangiti ako sa ginawa ni Vien. Nagmake face kasi siya ng kung anu-anong funny faces. Baliw talaga to.

"Stop that thing, will you? Nakakahiya. Pinagtitinginan ka nila!"

Joke dapat yun pero mukhang totoo. Ang dami kasing nakatingin sa amin ngayon. Nasa may hallway pa naman kami papasok ng building namin.

"Bakit nagseselos ka?" ngumiti siya ng mapang-asar tapos tinaas baba niya pa yung mga kilay niya.

Cupid and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon