Chapter 11: Other Side

10 1 0
                                        

Chapter 11: Other Side

"Umurong ka naman ng konti Chloe!"

"Ayoko."

"Chloe, urong! Nalalaglag na ako!"

"Wala akong paki kuya!"

Wait. What? Kuya?

"Aaaaaaah! Kuyaaaaaaa!" tapos umupo na ako sa kama.

"Darn it Chloe! Magdahan-dahan ka nga! Tsaka pwede ba tumahimik ka!" sabi niya habang hinihimas yung pwetan na. Aksidenteng nasipa ko kasi siya sa sobrang gulat.

"Sorry kuya. Nagulat lang kasi ako. Ano ba kasing ginagawa mo dito? Mas malaki naman yung kama mo tapos dito ka nakikisiksik!"

"Ang ingay kasi nila Mommy eh. Nanggugulo dun sa kwarto ko. Alam ko namang hindi yun pupunta dito para guluhin ka eh, kaya dito ako pumunta."

"Sila Mommy? Nakauwi na sila?"

As if on cue, bigla na lang pumasok ng kwarto ko si Mommy.

"Baby, ayos ka lang ba? Bakit ka sumigaw kanina? Sorry ngayon lang si Mommy." sabi niya habang yakap ako.

Eto yung nakakatuwa kay Mommy eh, kahit malaki na ako binibaby niya pa rin ako. Ayaw na ayaw niya na may nangyayari sa aking masama kahit maliit na gasgas lang.

"I'm ok Mom. Nagulat lang po ako." Niyakap ko siya ng mas mahigpit.

"You sure?" tapos chineck niya yung buong katawan ko.

"Mom, I'm perfectly fine." I assure her with a smile.

"Oh my gosh baby! Nag-alala talaga ako. Buti na lang ok ka lang," tapos nagyakap ulit kami.

"Oh by the way baby! Madami akong biniling pasalubong para sayo. I'm sure na magugustuhan mo yun." Nakakatuwa yung ganitong Mommy. Yung mas excited pa sayo ipakita yung mga binili niya.

"Really Mommy? I'm so excited to see that na."

"Me too. I'm so excited to show it to you," tapos nagyakap kami ulit ni Mommy dahil sa sobrang tuwa.

"Oh Xian nandito ka pala. Anong ginagawa mo dyan sa sahig?" Kumalas na kami ni Mom sa yakap tapos ay humarap kay kuya na medyo badtrip.

"Buti naman napansin niyo na ako dito." madramang sagot ni kuya sabay irap sa akin. Kanina pa kasi ako nagpipigil ng tawa. Minsan ko lang kasi makitang maglambing si kuya kay Mommy eh.

"Aww. Sorry baby. Alam mo namang protective lang ako sa baby sister mo di ba?" tapos lumapit siya kay kuya at yumakap.

Cupid and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon