Chapter 1

14.7K 262 9
                                    

Chapter 1

Diniinan ko ng husto ang busina  ng kotse ko na para bang sa pamamagitan non ay pwede ng umusad ang traffic! Tinignan ko ang relo ko, at halos magbitaw ako ng maraming profanities dahil sa kabwisitan!

I'm sooooo late! Ano ba namang klaseng traffic ang meron dito sa Pilipinas! My boss is gonna cut my head off this time. I'm gonna be at her chopping board the moment I arrive! E anong magagawa ko? Lahat na ata ng sasakyan sa buong mundo, ibinagsak dito sa Pilipinas! Haaaiiissstttt! Kaiiinniiissss!!!! Damn those low down payments!

Pinihit ko ulit ang busina kahit na alam kong naiimbyerna na sa akin ang driver ng kotse na nasa harapan ko.

"Ano ba!!! Umusad naman na kayo pleaaassseee!!!"

Very important client pa man din itong ka-meeting namin. Ako ang head ng creative team ng isang malaking event organizing company. Usually hindi naman ako sinasama sa client meeting ng boss ko, dahil nga, unang una, alam nyang kahit kelan ay hindi naging tama sa oras ang pagdating ko, pangalawa, medyo uma-attitude ako sa mga maaarteng kliente. Ang patience level ko ay masyadong maiksi. Paki ko kung sino silang pontio pilato. Kapag hindi pwede ang gusto nila.. HINDI! Hindi ako fairy godmother para gawing cinderella ang mga palaka!

Ang problema lang, kapag nirequire ni madam cath, ayun, kahit na anong tantrums at reklamo ko, in the end nagigiging magician ako. Kaya nga hindi nila ako mapakawalan kahit na ang tindi ng attitude problem ko. Ako na! Ako na talaga ang nagmamagaling sa mundo!

May topak lang naman ako pagdating lang naman sa mga demanding clients, mabait naman ako maski papano. Wala ng aangal PWEDE BA! Masyadong mainit ang ulo ko!

Kahit ayaw ni boss Cath na iharap ako sa kliente, no choice sya ngayon. No choice din ako dahil masyado daw maselan yung bride to be at ang gusto nya, sya mismo kakausap sa staff para ma-i-convey daw nya ng maayos ang idea na gusto nyang palabasin sa wedding nya.

Ok fine, gusto nila akong ka-meeting a, e di maghintay sila! Na-t-traffic ako e!

Kainis!

May sakit na talaga akong late. I know it's unprofessional. Pero kahit anong gawin ko, hindi talaga ako magising ng maaga. Kwago ako e. I work best at night. Sa gabi gumagana ang creatve mind ko. Sa ganong oras ako nakapagiisip ng matino. May takot din ako sa dilim kaya minamabuti kong full blast ang mga ilaw pagdating ng gabi. may troma kasi ako.

Kaya pagising na ang Pilipinas, gumagapang pa lang ako sa higaan. Sobrang bait lang talaga ng boss ko. Ilang beses na nga nyang inadjust ang pasok ko, pero.. well... siguro hindi lang sa pagiging late ang sakit ko, may sakit din akong pasaway.

Nagring na naman ang cellphone ko at nakita ko sa caller ID ang boss ko. I swear pang 200 times na nyang tawag 'yan. naiimagine ko na syang naiimbyerna, kumukolo ang dugo, namumula ang mukha at sinasabunutan ang sarili! Hindi naman... over naman yon. My imagination is running wild again. Hindi naman ganon si madam Cath, dahil sya na ata ang pinaka-poise na babaeng kilala ko sa balat ng lupa. Alam mong galit na sya kapag itinaas na nya ang noo nya at tinitignan ka nya ng pababa. Kahit na hindi ko sya nakikita, alam kong galit na sya ngayon, dahil hindi tumitigil sa ka-ri-ring ang cellphone ko! Hindi ba nya alam na mas lalo tuloy akong nate-tense sa ginagawa nya?!

And what's more frustrating, natatanaw ko na ang restaurant, pero nakaipit ako sa traffic!

Pinindot ko ang call button, as expected, binulyawan ako ng boss ko! malamang na nagtago sya sa ladies room para lang makatili. Poise na poise yon e, pero dahil sa kin, nawa-wa poise sya. katulad ngayon , niimagine ko na lang na lumalabas na ang mga tonsils nya!

"Where are you and why aren't you answering your phone?!"

"sa earth..." Pilosopong sabi ko.

"Don't you dare answer me with your creepy sense of humor!!! Our company is in the line because of you!! Get you ass down here... right now!!,"

My XWhere stories live. Discover now