Chapter 6

6.2K 199 12
                                    




Chapter 6

Nakatulala ako habang bumabagsak sa akin ang mainit na tubig galing sa shower. Hindi pa din ako makapaniwala. Kay Xaiver itong island? At ito ang pagdadausan nila ng kasal nila? Kaya pala hindi sinabi ni boss ang ibang mga detalye dahil binitawan ko na totally ang project na ito.

Ano ba ito!

Ngayon, stranded pa ako sa mala-paraisong lugar na ito! Kahit na anong gawin ko ay hindi talaga ako makakauwi dahil mas lalo pang lumakas ang ulan. Parang part 2 na nga ng bagyong Yolanda, paano ako makakatawid ng dagat? Paano ko haharapin si Xaiver? E kaming dalawa lang ang tao sa buong isla?

Nagpupumilit kasi akong umuwi kanina at inaway ko pa ng bonggang bongga si Xaiver. Sabi nya na kung magpupumilit pa ako ay lumangoy na lang ako dahil inutusan nya ang mga tao nya sa bayan at hindi na sila nakabalik dahil sa sobrang lakas ng alon at ulan. In other words, I am stranded here for God knows how long!

Inumpog umpog ko ang ulo ko sa may tiles. Nakakamove on na ulit ako e... bakit ba kung kelan naman nakakaya ko ng tanggalin sa isip ko ang lalakeng iyon, dumadating naman ang ganitong pangyayari? Am I really destined to bleed my heart out? Ito ba ang parusa sa akin sa ginawa ko sa kanya?

Kumalang ang sikmura ko. Naalala ko na kaninang umaga pa ang huling kain ko, hindi naman ako nakapag-snacks man lang, ang dami pang nawalang energy sa akin dahil sa mga kadramahan ng maghapong ito. Ayoko na sanang lumabas pa ng kwarto at mapapakalunod na lang ako sa hot shower. Pero inaatake na ako ng hyper acidity ko, baka mamaya ay mamilipit na ako sa sobrang sakit ng tyan ko kung hindi ko pakakainin ang mga acids ko.

No choice, I have to eat. Sana lang, nagkulong na si Xaiver sa kwarto nya.

Paglabas ko ng banyo, may nakalatag na malinis na damit sa may kama. Sa halip na matuwa ako dahil may tuyong damit na nag-aabang sa akin ay nakaramdam ako ng lungkot. Alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng damit na yan. Matagal ko pag tinitigan ang color white na cotton sun dress.

No choice. Alangan namang gumala ako sa bahay na ito ng naka-twalya lang. Kahit na parang sinisilaban ang damit sa balat ko ay isinuot ko na din ito. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto para hindi mamalayan ni Xaiver na gumagala na ako sa bahay nya. Mga pin lights lang ang nakabukas sa may kusina kaya malamang na walang tao don. Mabuti naman. Dumiretso ako sa ref para mag-halungkat ng pwedeng makain. Kahit kapirasong tinapay lang, basta malagyan lang ang tyan ko.

"Kumain ka ng kanin."

Napatalon ako sa sobrang gulat! Geeezzz!! Bakit hindi ko man lang naramdaman na may ibang kaluluwa dito?! Talaga 'tong lalakeng ito!

"Stop doing that! Ano ba talaga ang lahi mo? Ninja!"

Hindi ko sya nakitang nakatayo kanina sa may pinto palabas dahil madilim ang bahaging iyon.

Pumunta sya sa kitchen counter at binuksan ang nakatakip na pagkain.

"Eat while it's still hot."

Ganitong eksena na naman ba kami?

Ang sumagot ay ang tyan ko. Sa lakas ng tunog, imposibleng hindi nya iyon narinig. Hindi na ako nagpakipot obvious naman na gutom na ako. Umupo na ako sa kitchen counter. Gutom na talaga ako at ramdam ko ng nilalamon na ng acids ang bituka ko. Grilled Tuna with buttered veggies and corn soup... napasulyap ako sa kanya. Alam pa din nya ang paborito kong pagkain.

Napabuntong hininga ako. Wala ito. Baka nagkaton lang na ito ang available na pwedeng iluto, no need to make a fuzz.

Kumuha syang ng plato at tumabi sa akin. Inantay ba nya ako? Walang kaimik imik na kumain na din sya. Gusto ko sanang itanong kung bakit kailangan pa nya akong intayin bago sya kumain, pero itinikom ko na lang ang bibig ko.

My XWhere stories live. Discover now