Chapter 5

6K 182 8
                                    




Chapter 5

After 2 weeks, nagbalik na sa dati ang routine ko. Hindi ibig sabihin ng nakita kong muli si Xaiver ay affected na ako forever?!

Ummm well...

Yeah.. ok... affected ako! Pero hindi ibignasihin non na hihinto na lang ang mundo ko! No way! I have a life and I have to live it. I have survived the past, how can I not survive the future?

Kunwari may amnesia na lang ako.

Da hu ba ang Xaiver na yan? Wa akong kilalang may ganong pangalan!

All I have to do is to repeat that line over and over and over again at ma-b-brainwash ko din ang sarili ko. Kahit na para akong engot at pauulit ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko. Mukha na nga akong baliw dahil kahit mag-isa ako ay kinakausap ko ng malakas ang sarili ko. Nahuli ko nga minsan na nagsesenyasan ang staff ko at may paikot-ikot pa sila ng daliri sa tenga! Pinagpipingot ko nga sila! Mga walang respeto! Haaaiiissstt!

"Ms. Sapphire, pinapatawag po kayo ni Madam Cath sa office nya."

"Sabihin mo, BUSY ako." Mabilis na sagot ko. Ayoko nyang mga patawag-patawag na yan. Kinakabahan ako sa mga ganyan. Dalawa lang yan e. It's either may malaki syang problema, o nagdedeliryo na sya sa sobrang laki ng problema. Alam na alam ko ang drama na yan... ako lang naman ang isasangkalan nya at maglulutas ng kung anong kapalpakan ang nagawa ng subcontractor nya.

"But ma'am... urgent daw po."

Mas lalo kapag may karugtong na urgent, ibig sabihin non ay namimilogro na ang buhay nya.

"Sabihin mo... nahulog sa bangin!"

"Ma'am naman! Ako po ang masesesante nito e!"

I rolled my eyes.

Haaaayyy ayan na naman din ang banat na yan! Alam na kasi nila na may soft spot ako sa mga patalsik blues na yan, at kahit na labag sa kaibuturan ng puso ko ay napatayo na din ako .

"Ok fine!" Mabigat ang paa kong nagtungo sa opisina ng boss ko.

Mukha ngang stress to the highest level si Madam Cath. Mukhang hindi pa natutulog at mala-kwago na ang eyebugs. Hindi nakasuot ang suit nya at nakatagilid ang kwintas nya. A sign that she is at the verge of exploding!

Ano na naman kaya ang nangyari? Malamang may pumalpak na event at nagsasampa ng demanda, o baka naman may na-encounter syang screaming client. Whatever it is, it's not good at ako ang naisipan nyang magplantsa ng gusot.

"Ok... shoot."

Sabi ko pagupo ko sa guest chair nya.

She frowned at me, which is, again... not good.

Kahit gaano kalaki ang topak ko, she seldom frowns at me, and when she does... sabihin na lang natin na talagang masama ang timpla.

"I want you to fix some things. " Sinasabi ko na nga ba. "I want you to go to the venue and do somethings about the design. " sabi nya at yumuko na sya sa lamesa at may sinulat sa notebook nya.

Inaantay kong iabot nya sa akin ang kahit na anong detalye, or additional instructions perhaps? Nagbilang ako ng 1-20, pero nanatiling nakayuko na para bang umalis na ako.

"Ummm.... that's it? "

Tumingin ulit sya sa akin na para bang naiinis sya at hindi pa ako umaalis sa harap nya. Godzila  mode ang lola! Scccaarrryyy!!

"My driver is already waiting for you at the main entrance. He will take you where you have to go. " Bumalik na sya sa pagkakayuko. Mainit talaga ang ulo at nagpipigil lang. kaya nananahimik. Kapag nasa ganyan syang state, hindi ako makakahirit ng field allowance. Haaaiiisst... saka na nga lang, ililista ko na lang.

My XWhere stories live. Discover now