Chapter 10
I really think that I want to stay here forever!
Nakaupo ako sa terrace ng villa ni Madam Cath dito sa Lugano Switzerland. Kapag Pababa na ang araw ay pumupwesto na ako sa may terrace at pinapanood ko ang paglubog nito.
Mag-aapat na buwan na din ako sa Switzerland. Noong dumating ako dito, halos wala akong ginawa kundi magkulong sa kwarto, magsenti at mabaliw ng bonggang bongga. Mas lalo na nung dumating ang araw ng kasal ni Xaiver. I cried my heart out the whole day. I cried until no more tears can be shed. Feeling ko nga ay daig ko pa ang namatayan dahil pakiramdam ko ay ibinaon na ang puso ko, 7 feet under the ground! I just can't bear the fact that Xaiver belongs Lauren now. Kahit na sabihin ko ng paulit ulit na I wish him well, I hope he will be happy..... he's in good hands now.... Bwisiiiittt!!! Walang ganon! Leche ang mga martir na yan! HIndi sila makatotohanan! Ang sakit sa puso!!! Hindi ako pwedeng luminya sa lahi ni San Lorenzo!
Now I know kung anong naramdaman ni Xaiver noong nagpakasal ako kay Paul. Is this payback time?
After some time ay nagsawa din ako sa kakaiyak. As days go by, nababawasan din ang sakit. Kahit paano ay nahihilom din ang mga sugat. That's the time that I started exploring my new surroundings. That's when I realized na, napakaganda pala ng kinaroroonan ko. Nasa bandang mountains ang villa ni Madam Cath at overlooking ito ng lake. Napakaganda ng tanawin kapag nagpapaalam na for the day ang haring araw at pagkatapos noon ay makikita mo naman ang city lights. The lake illuminates the lights creating a magical effect.
Hindi na ako nagsisi na nagpunta ako sa lugar na ito. At ayaw ko ng umuwi sa Pilipinas. It's not that I'm no longer loyal sa aking lupang sinilangan, its just that there is a big chance that I might bump into the newly weds at baka maging crying lady na naman ako.
I owe another debt of gratitude to Madam Cath. Hindi lang ang pagpunta ko dito ang ipinagpapasalamat ko sa kanya. Hindi nya talaga ako pinakawalan at inadjust na naman nya ang trabaho ko.
I'm now working on-line. Via e-mail na lang ang communication namin ngayon, since hindi din naman daw ako humaharap sa mga clients, kaya walang problema. Via video chat na din ang pagme-meet ko sa staff ko. Via video chat na din ang pambubulyaw ko sa kanila. Very effective and very flexible. Bakit ba hindi naisip ito ni madam cath noon pa lang para hindi na nya nasasabunutan ang sarili nya kapag umiiral ang tardiness ko?!
Nakatitig pa din ako sa view nang maramdaman ko ang pagkalang ng sikmura ko. Shocks, nakalimutan ko na namang kumain. Nararamdaman ko na naman ang pagakyat ng mga acids ko.
I need to calm this down. Pinatay ko na ang laptop ko at pumunta ako sa kusina para magluto. The problem is... wala palang laman ang ref! Nakalimutan ko na namang mag-grocery! Sinasabi ko na nga ba at may nakalimutan na naman akong puntahan ngayon e!
No choice na naman ako. I have to eat out again! Ang gastos! If I can hurry, May time akong kumain and after that, makakadaan pa ako ng grocery. Hindi na ako nagpalit ng damit para maka-save ng time. kinuha ko na lang ang coat at bag ko at lumabas na ako ng bahay.
Medyo may kalayuan ang lakarin papuntang bus stop. Mabuti na lang at hindi katulad ng Maynila ang lugar na ito. Safe maglakad dito kahit malalim na ang gabi. At ang pinakamagada... malamig at walang traffic!
Nasa bus stop ako at nag-iintay ng masasakyan. Kung ano ang mauna dumating, taxi or bus, sasakyan ko na. Hindi naman ako masyadong nagmamadali, hinahabol ko lang naman yung pagsara ng grocery!
"Hey Sapphire!" May pumaradang pulang kotse sa tapat ko at ibinaba ang bintana ng passenger side.
"Hi Erin!" Sya ang pilipinang kapitbahay ko. Isa syang nurse sa town hospital. Mas matanda lang sya sa akin ng dalawang taon. Ang maganda lang sa neighborhood ay maraming nakatirang pilipino kaya na-at-home din ako kaagad. Mababait sila at palagi nila akong iniimbitahan kapag may okasyon. Nagtataka lang ako dahil halos linggo linggo ata may birthday at anniversary!
YOU ARE READING
My X
RomanceSapphire is an event stylist of a well known events coordinating company in the country. One day she was asked by her boss to attend a very important meeting as requested by the client. Sino ang mag-aakala na ang very important client na 'yon ay ex...