Chapter 4Trangkaso. Iyon lang naman ang naging sakit ko. No need to sound the sirens. Kaso almost 1 week din akong bed ridden. Last time na nakaranas ako ng sakit ay high school pa ako. Grabe lang, lakas ng tama! Parang bumawi ang virus sa matagal ng hindi nananalanta sa katawan ko! Nanunuot hanggang buto na halos hindi ako makagulapay!. huhuhuhuhuhu. Malakas ang katawan ko at bihira akong nagkakasakit. Pero kapag tinamaan... wagas wagas naman!
Tinamaan ng pasikat na araw ang mga mata ko at unti-unti akong nagising. Hindi na din ako nagtagal sa kama at nagsasawa na ako sa view ng kisame ko. Mahina pa din ang katawan ko pero wala na akong lagnat. Matinding ubo at sipon na lang. Mabuti naman.
Naghimala ang langit at maaga akong nagising. Paano ba naman, ilang araw din akong maghapon at magdamag na tulog, parang bumawi din ang katawan ko sa ilang linggo na halos isang oras lang ang tulog sa isang araw. Iyon na nga ang dahilan kung bakit nanghina ang resistensya ko. And I swear to myself that I will no longer abuse my body. Trangkaso lang iniinda ko, what more pa kaya kung tamaan ako ng mas matinding sakit!
Napansin ko na wala na yun tray na pinaglagyan ng dinner ko kagabi. Nailigpit na siguro ni Manang, yung ipinadala ni Xaiver na mag-asikaso sa akin.
Hindi ko na nakita si Xaiver pagkatapos kong makatulog sa sasakyan nya. Nagising na lang ako at nasa bahay na ako at nakahiga na sa kama. Kaloka lang dahil may stranger na gumigising sa akin. Isang doktor na noon ko lang nakilala. Kung hindi lang mahina ang katawan ko ay na-flying kick ko na talaga yon! Mabilis naman syang nag-explain ng titigan ko sya na para bang ibabaon ko sya sa hukay. Sabi nya ay pinapunta daw sya ni Xaiver. At hindi lang doktor ang pinapunta nya, pinadala pa nya ang mayor-doma nya para alagaan ako. Pinapauwi ko nga pero baka daw sesantehin sya ng amo nya. Naawa naman ako at magiging kasalanan ko pa kung mawalan sya ng trabaho. Pero pauuwiin ko na sya mamaya. Baka masanay akong feeling donya. Mukha lang akong rich pero wala akong pampasweldo sa kanya.
Kahit mga foods and groceries, doctors fee and medicines, libre! Masyado na akong na-s-spoil. This has got to stop. Malakas na din naman ako at kaya ko na ang sarili ko.
Kailangan ko na din pumasok at napaparanoide na ang boss ko pati na din ang staff ko. Hindi sila magkandaugaga ng wala ako. Magpower trip kaya ako? Para maramdaman nila na kailangan nila ang kagandahan ko sa buhay nila. hehehhe. Wag na lang, baka mabaliw pa si boss.
Inayos ko na ang sarili ko at bumaba ako sa kusina. As expected, may breakfast na nag-iintay sa akin.
"Good morning po! "
"O bakit bumaba ka na? Iaakyat ko na nga itong almusap mo, naunahan mo lang ako."
"ok na po ako, wala na po akong lagnat."
"Naku, Salamat sa Diyos."
Ngumiti sa Manang Conching at hinainan nya ako ng pagkain sa kitchen counter.
"Wow! Mukhang masarap ito a!" Sinangag na kanin, longganisa at itlog na maalat with matching kamatis ang niluto nya.
"Lahat naman ata masarap sa 'yo. Pero mabuti yan at nagugustuhan mo ang mga luto ko. At maganda din 'yan at lumalakas ka ng kumain. " Maayos na nga akong kumain dahil nagbalik na ang panlasa ko.
"Sabay na po tayong kumain. Mas masaya kapag may kasabay. "
Ilang taon na din akong nag-iisa, kaya na-appreciate ko din na nandito si manang. Sinabayan din naman nya akong kumain at nagkwentuhan kami sa mga bagay bagay. Natutuwa talaga ako sa kanya, dahil para syang isang ideal na lola na gusto mong makasama. Wala akong nadatnang lola on either side of my parents. Hindi ko alam kung hindi lang sila close or namatay na bago pa ako sinilang. Basta wala lang nababanggit ang parehong parents ko tungkol sa mga magulang nila,
YOU ARE READING
My X
RomanceSapphire is an event stylist of a well known events coordinating company in the country. One day she was asked by her boss to attend a very important meeting as requested by the client. Sino ang mag-aakala na ang very important client na 'yon ay ex...