Chapter 8We've been swimming most part of the day kahit na medyo mataas ang alon. Palagi mamang nakabantay si Xaiver para hindi ako malunod. He is a powerful swimmer kaya wala akong dapat na ikatakot kapag nandyan sya sa tabi ko. Just like what he asked, we pretended that this is just a dream. A very beautiful dream. We didn't brought up anything about our present situation.
Bahala na talaga!
Saka ko na iisipin ang mga bagay bagay kapag nagising na ako. Susulitin ko na lang ang sandaling ito dahil alam ko na hanggang dito lang ito. Nakakaloka lang dahil parang Indulge now then break your heart later lang ang peg. My mind has flashed down the drain. But.... what the heck! Bahala na nga talaga!
"hungry?"
Ayan na naman ang pagkain!
"Are you really obsessed in feeding me?"
"Not really. I just don't want you to have an episode with your hyper acidity. Remember what happened in the mall?"
Shocks... naaalala pa nya yon!
"How can I forget?!"
Thesis week noon. With all the pressure and stuff, nag-o-overflow ang acids ko. Idagdag pa na hindi ako nakakakain sa oras. Papauwi na kami from school at nakasakay kami sa bus ni Xaiver ng sumakit ng bonggang bongga ang tyan ko. Hindi ko sinasabi kay Xaiver na hindi pa ako kumain simula umaga. Nahihilo at nasusuka ako! Bumaba kami sa mall at naghanap ng cr. Walang pakialam si Xaiver na pumasok din sa ladies room just to assist me. Hindi ko na nagawang sipain sya palabas dahil tumaob na ang bituka ko sa toilet bowl!
Paglabas namin sa cubicle, may matandang babae na pinagalitan kami. Sermon na walang humpay ang inabot namin. I have never been soooo embarrassed in my whole life! Nag-aaral pa daw kami kung ano ano daw kalandian ang pinaggagagawa namin! Hindi daw maaari na hindi panagutan ni Xaiver ang dinadala ko and everything! At ito namang si Xaiver, tatango-tango lang sa matanda, hindi man lang makuhang mag-deny! Grabe talaga!
Napangiti sya and my heart goes flip flop!
"You should have seen yourself that time. Hindi mo malaman kung paano ka makakatakas kay lola."
"I was in line there! Kulang na lang ay i-flush ko din sa inidoro ang pagmumukha ko sa sobrang kahihiyan!"
This time natawa na sya. Pinalo ko ng nga malakas ang balikat nya! Pasaway overload to a!
"Sige... tawa pa more.... ang saya mo a."
Inakbayan nya ako.
"Yeah... ang saya ko talaga."
Bugla ba syang kumambyo at nagiba ang topic namin? May iba ba syang ibig sabihin 'don? Napangiti ako and I looked away. Nangangamatis na naman siguro ang mukha ko. Ayokong makita nya kung gaano ako ka affected sa mga simpleng mga sinasabi nya.
"Aren't you?" Sa tono ng boses nya ay hinuhuli nya kung ano ang totoo kong nararamdaman. He held me tight and kissed the tip of my nose.
This time, I decided to be honest.
"Yes....for now." Mahinang sabi ko. Then I realize that these are dangerous grounds. I have to switch the topic.
YOU ARE READING
My X
RomanceSapphire is an event stylist of a well known events coordinating company in the country. One day she was asked by her boss to attend a very important meeting as requested by the client. Sino ang mag-aakala na ang very important client na 'yon ay ex...