Chapter 37 (Dalamhati)

2.1K 86 4
                                    

"Raileyyyyy!!!!!!!!"

And thats the last thing happened bago mawalan ng malay si Railey!
Now we're here in the hospital for about a week ago after ng mga naganap sa mansyon!
That time hindi ko alam kung sino ang una kong lalapitan! Ang matagal ko ng kaibigan at parang kapatid na si Tommy o ang taong nagpapasaya sakin at pakiramdam ko ay mahal ko na talaga na si Railey!
That was the first time in my life na nakapatay ako ng tao and that was Berdugo!
Hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa din ang mga nangyari! I dont know pero parang naguguilty ako sa mga nangyari. Lalo na kay pareng Tommy!
Tommy was still in ICU (Intensive Care Unit) hanggang ngayon ay di pa din sya nagigising dahil sa pagkaka comatose nya!
Railey was a little bit okay! Pero hindi ganun ka Okay!
Biglang nagbalik sakin ang mga nangyari....

"Besty!!!!!!!!!! Tommy??? Raileyy!!!!!!????"

That was the voice of Cheska!

"Besty anong nangyari? Okay ka lang! Si Tommy??? Ow my goshhhhh!!!!!! Godddd... What happened!! Besty we have to go sa Hospital! Humihinga pa si Tommy! Jusko maryosep ang pinsan ko!"

Iska was crying, pero ako! Puno ng galit at paghihinagpis! Ayoko ipakita na mahina ako at halos tumulo na din ang luha ko sa mga pangyayari.. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari kay Tommy at Railey dahil sa kasakiman sa kayamanan ng isang tao.
Puno ng pagsisisi ang isip ko at nararamdaman ko dahil sa lungkot na nakikita ko sa Pamilya ni Tommy.
Kasalanan ko ang lahat! Kung hindi ko siya sinama ay hindi mangyayari to sakanya!

"Besty!"

"Uhmmm Iska?"

"Kamusta ka?"

"Ano sa tingin mo?"

"Ewan ko, di ko knows!"

"Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari kay Tommy! Tingnan mo sya! Walang malay! Tingnan mo ang Pamilya nya! Sobrang hinagpis at pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat!"

"Besty! Walang may gusto sa nangyari! Napaka buting kaibigan ni Tommy! He was always there for you sa lahat ng oras kapag kailangan mo ng tulong! At alam ko yun dahil naging saksi ako dahil halos para na kayong magkapatid!"

"Iska... Salamat!! Salamat nga pala nung time na andun ka! Siguro kung hindi din dahil sayo ay baka lahat kami ngayon ay ganyan ang kalagayan o di marahil ay mas malubha pa ngayon."

"Enebe besty! Bestfriend mo ko! Ang magbestfriend walang iwanan diba!? Ako lang naman ang lagi mo iniiwan eh!"

"Hindi sa ganun Iska! Babae ka kaya ikaw ang dapat naming proteksyunan, pero sa nangyari parang baliktad!"

"Halika nga dito! Yakapin mo ko!"
(Chance ko na to mga bes, makaka score ang lola nyo!! Bet na bet! Chansing chansing din pag may time bes! Ahas kung ahas bes! Charot!)

"Kamusta nga pala ang pinsan mo?"

"Di ka paba pumapasok sa loob?"

"Hindi pa eh! Ayoko muna sana magpakita kay Railey!"

"Okay naman na sya ngayon! Kumpara kahapon, naigagalaw na nya ang mga kamay nya!"

"Ganun ba!!! Salamat naman!"

"Wag kana mag alala Besty! Magiging okay din ang lahat!!! Pusuan mo lang bes! Charot lang!"

----------

"Oh Aivan? Bat ngayon ka lang?"

"Ahh.. Ehh.. Sensya na Railey! Ayoko kasi makita ka ng ganyan, kasi naguguilty ako sa nangyari sainyo ni Tommy!"

"Sus pwede ba! Walang ibang dapat sisihin dito kundi ako! Sakin nagsimula lahat ng toh! Kaya walang ibang may kasalanan nito kundi ako!"

"Ang chachaka nyo! Ngayon pa talaga kayo magsisisihan eh nangyari na ang nangyari pwede ba mga bes! Kakaloka kayo! Pasalamat nga kayo at humihinga pa tayong lahat!"

"Pero Iska salamat ahh!"

"Sus.. What are cousins for! Five six seven!"

"Loko ka talaga!"

"Namern! Kaya wag nyo ko iniismall, Im super Iska! Brainy na maganda pa!"

"Kamusta si Tommy?"

"Ayun... Nag aalala nga ako, di pa din sya nagigising halos 2 linggo na! Comatose pa din si Pareng Tommy!"

"Ganun ba... Sana magising na si Pare! Kasalanan ko talaga toh eh!"

"Hay nakoooo!! Eto na naman po kami... Will u? Can u? May u stop make sisi yourselves! Yourself? Ganern!" -Iska

---------
Isang buwan na din ang nakaraan simula ng mangyari ang insidente sa pakikipag sagupaan namin kay Berdugo, gabi gabi pa din ako nakokonsensya but Railey still by my side para ipaalala sakin na ginawa ko lang ang tama, dahil kung sya daw ang nasa katayuan ko ay ganun din ang gagawin nya! Pero still ang pag aalala ko kay Tommy ay nandun pa rin! Araw araw ako bumibisita sa Hospital at nakikipagkwentuhan sa wala pa ring malay na si Tommy!

Tulad ng dati! Sa bahay na tumuloy si Railey kasama ni Iska, Railey's Father and sister was still to their Province! Kinukumbinsi ni Railey na lumipat nalang ng Manila pero hindi daw kaya iwanan ng ama ni Railey ang bahay sa probinsya.
Lumipas pa ang isang buwan, pero wala pa ding nagbabago sa kalagayan ng aking kapatid na si Tommy! Kaya araw araw kong pinagsisihan at pinagbabayaran ang nangyari sakanya.
One day I asked Railey and Iska to come with me for one last time para bumisita kay Tommy.

"Hi doc! Kamusta po ang pasyente namin?"

"Oh kayo pala, mukang araw araw ang pagpunta mo dito Mr. Aivan ahh, well tatapatin ko na kayo! Sa kalagayan ni Tommy! Hindi ko masasabi na maayos sya dahil sa laki ng naging damage sa organ nya! Nagkaroon na ito ng komplikasyon!
Sa totoo lang! Nahihirapan ang pasyente pero sa tingin ko ay pinipilit pa din nyang lumaban! Marahil ay sa araw araw na pagbisita dito ni Aivan.
Unconscious ang pasyente pero naririnig nya kayo."

"Doc. Gaano po ba kalaki ang chance na magising pa ang kaibigan namin?"

"Well... Hindi ko masasabi yan, kung sakaling magising ang pasyente ay hindi din magiging normal ang lahat! Sa kalagayan nya ngayon tulad ng sabi ko ay nahihirapan ang pasyente!"

"Ganun po ba Doc. Sige po salamat po!"- Railey

"Oh pano maiwan ko na kayo dito!"

The tears fell down from my eyes!
Lumapit ako kay Tommy, I hold his hands.
Railey tap my shoulder..
Even Iska was almost crying at that moment!
Habang hawak ko ang kamay ni Aivan ay hindi ko na mapigilan ang luha na kusang bumabagsak sa mga mata ko! Hindi ko kayang pigilan ang pakiramdam na meron ako ngayon dahil pakiramdam ko ay nasasaktan ako at mas nahihirapan sa kalagayan ng aking kapatid na si Tommy!

"Pare!!!"
"Pare alam ko naririnig mo ko.."
Mistulang bata ako sa pag iyak habang kinakausap ko si Tommy! Parang isang batang naagawan ng kendi.
"Pareng Tommy! Tama na!!... Kung di mo na kaya pare! Pwede namang sumuko diba? Kahit ayaw ko, pero ayokong mas nahihirapan ka! Masakit Pare ang mawalan ng isang kaibigan na tulad mo pero kung di mo na kaya Pre! Tama na... Masakit para sakin sabihin ito pero magpahinga ka na pare!!!
Magpahinga kana.. 😭😭😭
Maraming maraming salamat sa lahat pare!"

I kissed Tommy in his forehead and went out from the room! Di ko alam kung ano ang pakiramdam pero sobrang bigat para sakin..

"Aivan... Aivan... Sorry!"

"No... Railey! Its all my fault!"

"Aivan.. Railey.... Si Tommy!!!!!!!!!!!"- Iska

-----------

Haller... Ohh keri na siguro yan haha bumawi lang ako sa ilang week na alang update haha!
Pero comments and votes namern!
Shelemet!...
Grabe ahh biglang lobo ng reads ng Im inlove with the wrong person! Sobrang salamat sa mga nagbabasa.. Didnt expect talaga na ang isang tulad koy makakapagsulat ng ganern! Haha 😂😂😂
Happy Reading!! 😁

I'm Inlove with the WRONG personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon