"Merry Christmas" -Iska
Natutuwa ako dahil sa sobrang dami ng pinagdaanan namin, o ng mga kaibigan ko heto kami ngayon! Sama sama, masaya! Kasama ang aming mga anak.
Masaya ako di dahil lang sa maayos ang buhay namin ng pamilya ko! Sobrang blessed ako dahil binigyan kami ng Xymon at Xyrille!
Higit na masaya ako para kila Aivan at Railey dahil kahit na madaming problema ang mga pinagdaanan nila! Heto nakatayo pa rin silang dalawa at lumaban sa pagsubok ng buhay.
Kahit na may edad na kaming tatlo ay walang nagbago sa samahan namin bilang magkakaibigan.-----------------
"Napakasaya ko! Sobrang saya ko ngayon Jobee ko!"-Railey
"Ako din! Masaya ako Railey"- Aivan
Hindi ko inakala na aabot sa ganito ang lahat, di ko alam na ikaw ang makakasama ko habang buhay! Sana ay walang katapusan ito, Sana ay walang hanggan ito! Mananatiling masayang memorya ang lahat sa puso ko Railey! Lahat lahat.
Biglang nagbalik sa ala-ala ko ang lahat simula ng mga binata pa kami ni Railey kung paano namin pinagdaanan ang lahat ng bagay, mula sa maliit papunta sa malaki, marami mang nangyari, marami mang humadlang, sa bandang huli ay kami pa rin! Kami pa rin ang nanatiling magkasama at magkakampi! Napakasarap sa pakiramdam na kasama mo ang taong mahal mo hanggang sa pagtanda mo! Habang pinapanood nyo ang paglubog ng araw sa tabi ng dagat.Lumipas ang isa pang sampung taon! Bumalik kami muli ng Pinas kung saan nagsimula ang lahat!
Nanatili kaming masaya at walang problema kasama ng aming mga anak!
Nagtatrabaho na ngayon si Vandrei sa isang malaking kumpanya dito sa Pilipinas, si Klea naman ay isang modelo sa isang magazine.
Si Xymon ay isang Manager sa kumpanya ng Mommy nya bago ito magretiro dahil hindi na din kayang pumasok ni Iska sa trabaho! Alam nyo na pag may edad na.Marami pa ang mga nangyari, nagkasakit si Railey! Pero hindi ako umalis sa tabi nya! Mananatili ako sa tabi nya kahit na halos lahat ng bagay, tao at maging ako ay nakakalimutan nya! Tinamaan si Railey ng Alzheimer's disease! Pero nilalaban namin ito! Paminsan minsan ay nawawala sya sa kanyang memorya at madalas na nakakaligtaan ang mga bagay. Pero alam kong ang pagmamahal ko para sakanya mawala man yun sa kanyang isip! Ay hinding hindi mawawala sa kanyang puso.
Pumanaw na din si Tommy dahil inatake ito sa puso.
Naging mahirap para kay Iska ang bagay na yun! Pero andito kaming mga kaibigan nya.
Ako naman ay may pinapasan din na isang mabigat na suliranin, pero ayokong malaman ng mga anak namin, o kahit pa si Railey ang tungkol sa akin.
Madalas na nawawalan ako ng malay at pakiramdam dala na din siguro ng katandaan.
Pero hindi normal ang mga nararamdaman ko kaya minabuti kong kumunsulta sa doctor!
At Ang sabi ng mga ispesyalista mayroon akong Multiple Sclerosis, may nakitang sugat sa parte ng bahagi ng aking utak kaya nagiging dahilan ng madalas na pagkawalan ko ng malay at panghihina.
Sino bang makakapagsabi ng ating kapalaran!
Bagamat ganun pa man, hindi ko na sinabi kila Railey at maging sa aking anak ang aking kalagayan.Sobrang dami ng bagay na pinagpapasalamat ko sa panginoon dahil nabigyan namin ng magandang buhay ang aming mga anak, naitaguyod namin silang lahat!
Ikinasal din kami ni Railey sa Canada! May halos 20 taon na ang nakakaraan mula ng muli kaming magkita.Bilang tanda ng aming mga pangako sa isat isa!
Bilang tanda ng aming pagmamahal sa bawat isa!
Wala ni isa sa amin ang bumitaw at sumuko, kaya heto kami ngayon magkasama sa isang kama, kahit na parehas na may nararamdaman, kahit na may edad na basta ang pangako namin ay walang iwanan hanggang sa kamatayan."Jobee ko! Sobrang salamat sa lahat ng mga nagawa mo para sakin! At sa lahat ng pagmamahal mo para sa akin at para sa mga anak natin!"
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with the WRONG person
DiversosPaano kung mahulog ka sa isang taong hindi naman dapat? Paano kung mangyari ang hindi dapat mangyari? Paano kung ang taong minahal mo ay isang pagkakamali? Magagawa mo pa kayang itama ang isang pagkakamali na sa tingin mo ay tama? Magulo ba? Washh a...