"I AM GOING TO TO SUE THAT JERK!" sunud-sunod na sigaw ni Krisstine habang paroo't parito siya sa loob ng opisina ng CEO ng Claus Artist Center.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay wala siyang nararamdamang kilig habang hinihintay ang pagharap ni Dasher sa kanya. Ilang taon na niya itong palihim na minamahal, ang CEO ng naturang kumpanya kung saan nakakontrata si Blitzen bilang artista. Pag-aari ng mga Claus ang kumpanyang iyon. Magkapatid sa ama sina Blitzen at Dasher.
She was too angry to think about her heart that moment. Kanina pa niya gustong magbuga ng apoy. Pangalawang araw pa lang simula noong pumutok sa internet ang di umano'y "sex video" na pinagbibidahan nila ni Blitzen ngunit bugbog sarado na agad ang image niya.
As of that moment, hindi pa rin siya makapaniwala na imbes na ninanamnam niya ang "cloud nine" ng pagkapanalo niya bilang Best Actress sa katatapos lang na Famas Awards' Night ay naroon siya sa isang opisina, nanggagalaiti dahil nanganganib masira ang career na pinakaiingatan niya nang dahil sa isang kontrobersiyang kumakaladkad sa pangalan niya.
She's been in the showbiz industry for five years. All sorts of controversies had been thrown to her except a sex scandal. Hanggang sa sirain ng isyung iyon ang gabi ng pagtanggap niya ng kanyang parangal. At ayun siya, ipinaglalaban ang puri ng kanyang pagkatao.
Walang saysay ang award na nakamit niya. Paano niya maipagmamalaki iyon sa binabalak niyang pag-uwi sa bahay nila kung may kaakibat naman iyong napakalaking eskandalo? Ano na lamang ang sasabihin ng pamilya, mga kaibigan at fans niya?
What would her father say? Tiyak na hahamakin lang nitong lalo ang career na pinili niya—ang career na ipinagpalit niya sa mga kompanyang nakatakda sana niyang patakbuhin. She dread the day that her father would mock her and say, "Didn't I tell you I was right?"
Makailang beses na ring nagkaroon ng fan wars sa facebook, maging sa twitter, dahil sa eskandalong kinasangkutan nila ni Blitzen. Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay parang bulang maglalaho ang career na kaytagal nilang inalagaan at pinalago ni Rocky nang dahil lang sa isang immoral na eskandalo. That controversy was not even true!
"Calm down," himok ni Rocky sa kanya. Nakaupo ito sa sofa, namumula rin sa galit.
"How could I calm down? Nakasalalay dito ang career ko. Hindi ako papayag na mawala ang lahat ng pinaghirapan natin nang dahil lang sa isang kasinungalingan!" angil niya.
Hindi naging madali para sa kanya ang pagpasok sa showbiz dahil bukod sa tinutulan ng daddy niya ang pag-aartista niya ay gumawa rin ito ng paraan upang higit siyang mahirapan sa paggawa ng sarili niyang pangalan sa industriya. Inutusan siya ng kanyang ama na itago sa mga tao ang kaugnayan niya sa Supreme Broadcasting Corporation o SBC—one of the biggest T.V. Networks in the Philippines. Major stockholder ang ama niya sa nasabing istasyon.
Noong naunang taon niya sa showbiz ay banned siya sa SBC ngunit dahil sa pagningning ng kanyang pangalan sa industriya ay nahimok ng manager niya ang kanyang daddy na tanggapin siya sa network na iyon. She was popular anyway. Marami siyang endorsements. Ang kanyang kasikatan ang nagbigay sa kanya ng access sa kompanya. Ngayon ay malaya na siyang magtungo roon kailanman niya gustuhin dahil exclusive na siya sa istasyon. Well, may karapatan pa rin naman siya lalo't siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga Sandoval. That—among other things—was the biggest secret she'd been hiding to everyone.
Bumukas ang pinto ng opisina. Iniluwa niyon sina Dasher kasama ang fiancée nitong si Donnie Marie, si Dakila at ang kambal na Claus. When Blitzen emerged from that door, her eyes automatically turned lethal. Wala na sila sa harap ng camera kaya magagawa at masasabi na niya ang lahat ng gusto niyang sabihin dito! Padabog siyang sumalubong rito.
BINABASA MO ANG
LIGHTS, CAMERA, SCANDAL?
RomanceAng kwentong ito ay umiikot sa pinakasikat na Love Team ng Pilipinas. Blitzen Claus has always been the ultimate matinee idol. Gwapo, mayaman, maginoo, tinilian hindi lang dahil gwapo kundi dahil napakagaling din nitong aktor. Si Krisstine Sandoval...
