HINDI MAAMPAT ang matalim na tinging ipinupukol ni Krisstine habang kaharap niya si Blitzen. They were inside Dasher's office. Ipina-finalize na ng magkabilang kampo ang tungkol sa gaganaping press release mayamaya lamang. Pagkatapos nilang mag-usap kahapon ay napagpasyahan nilang sunduin ang suhestiyon ni Dakila.
Rocky agreed too, para lang maprotektahan ang career niya. Everybody was crossing their fingers about the effect of their revelation. 'Ika nga ni Rocky ay magpakapositive daw siya. Who knows, baka nga magtagumpay silang maayos pa ang gulong kinasasangkutan nila. Dalawa lang naman kasi ang maaaring mangyari sa kanila ni Blitzen—ang magningning pa lalo ang kanilang mga career dahil ikatutuwa ng lahat ang "relasyon" nilang dalawa o ang manamlay ang mga bintuin nila at pandirihan sila ng lahat.
Paulit ulit niyang pinag-isipan ang gagawin nilang hakbang. Sa tuwing naiisip niya ang public announcement na gagawin nila ni Blitzen mamaya ay hindi niya maiwasang kabahan. She hadn't talked to her family about the leaked video yet. Her mother had been trying to contact her ever since the viral sex video broke into social media sites.
Ipinangako niya sa kanyang sarili na pagkatapos ng press conference ay tatawagan niya ang kanyang mommy para magpaliwanag kung bakit masasangkot na naman siya sa isang panibagong kontrobersiya kasama si Blitzen Claus kahit na natitiyak niyang pagagalitan lang naman siya nito. Ni ayaw niyang isipin ang reaction ng daddy.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Napaangat ang isang kilay ni Blitzen na kanina pa matamang pinagmamasdan ang kakaibang ikinikilos niya.
"Kung hindi ka kumportable sa gagawin natin, you still have time to back out and run for your hide," nakakalokong wika nito. Kumibot ang mga labi nito. A lopsided smile curved his lips when her eyes narrowed further. "Come on. This is the only way we can get out of this shit."
Isang malalim na buntong-hininga ulit ang pinakawalan niya. Gusto man niya itong sisihin ay hindi niya magawa dahil alam niyang kagaya niya ay wala na rin naman itong magagawa. Pareho naman nilang hindi gusto ang eskandalong gumugulo sa career nila.
"How can you act so cool about what's gonna happen?" naitanong niya. "Hindi ka man lang ba natatakot na matatali ka sa akin sa loob ng dalawang taon?"
Ang relasyon nila ay nakatakdang tumagal ng hindi bababa sa dalawang taon. Pinapirma sila ni Dasher ng kontrata ukol sa "fraud relationship" nila. Both parties held certain responsibilities with each other. May mga rules silang dapat tuparin at sundin.
They would need to act as lovers in front of the camera. Kailangan nilang panindigan sa harap ng madla na nagmamahalan sila para hindi maging kaduda-duda ang gagawin nilang pag-a-announce na magkasintahan na sila. Lalo kasing madudumihan ang mga imahe nila kapag naghiwalay sila agad. They have to clean their images by avoiding bad publicity.
Hindi na sila dapat masangkot pang muli sa anumang kontrobersiya, lalo na kapag na-announce na sa media ang relationship nila. Ang sinumang magkakamaling muling masangkot sa isang eskandalo ay kailangang bayaran ang partidong maaapektuhan ng karampatang halaga na napag-usapan ng dalawang kampo. Nakakatawa, parang isang business deal lang talaga ang buhay nilang dalawa. Bawat pagkakamali nila ni Blitzen ay bawas sa kita nila.
"It's not a big deal. Kung iisiping mabuti, sanay naman na akong nakatali sa career ko. The only difference is that, it's not just my name that I'd have to protect from now on, pati na rin ang pangalan mo. Magagawa pa rin naman natin ang mga dati nating ginagawa, lamang ay kailangan nating ipaalam sa isa't isa kung ano ang mga iyon. At kung possible ay magkasama nating gagawin iyon. Ikaw, Kriss, hindi ka pa ba sanay na nakatali sa career mo?"
Of course, sanay na siya. Kahit naman limang taon palang siya sa showbiz ay para na rin siyang nasa showbiz, bata palang siya. In fact, mas may karapatan at kalayaan pa nga siya sa showbiz kesa noong nakakulong pa siya sa "morale at standards" ng mayaman niyang pamilya.
BINABASA MO ANG
LIGHTS, CAMERA, SCANDAL?
RomanceAng kwentong ito ay umiikot sa pinakasikat na Love Team ng Pilipinas. Blitzen Claus has always been the ultimate matinee idol. Gwapo, mayaman, maginoo, tinilian hindi lang dahil gwapo kundi dahil napakagaling din nitong aktor. Si Krisstine Sandoval...
