"ANO'NG PROBLEMA MO?"
Napakislot si Blitzen at biglang napalingon sa kanyang tabi nang may biglang magsalita. Sinimangutan niya ang kanyang kakambal nang mapansing nakaupo na pala ito sa tabi niya.
Kasalukuyan silang bumabyahe patungo sa Boracay sakay ng isa sa mga private jets ng kapatid nilang si Comet para i-shoot ang music video ng carrier single ng album ng bandang Parokya ni Edgar. Kasama nila sa shoot si Krisstine ngunit nauna nang magtungo sa Bora ang dalaga. Si Dakila naman ay emergency'ng napauwi ng probinsiya kaya hindi nakasama.
"Wala naman akong problema," iritableng sagot niya.
Hindi niya pa rin ito napapatawad sa paglalagay nito sa kanya sa sitwasyong kinasasangkutan niya ngayon. Naiinis pa rin siyang isipin na tuwang tuwa pa ito dahil naipit silang dalawa ni Krisstine sa isang pekeng relasyon. Lalong ikinaiinit ng ulo niya ay ang madalas na panunukso nito sa kanila ng dalaga. Kung alam lang nito kung sino ang gusto niya.
"Nagtatampo ka pa rin?" amused na iling nito. "Eto naman, tinulungan lang naman kita. It's the only way out, bro. Isa pa, Krisstine isn't bad. In fact, jackpot ka sa kanya."
"Oo, jackpot ako sa sakit ng ulo at sa sobrang pagkainis," angil niya.
Alam ni Donder kung gaano siya laging naiinis kay Krisstine. Simula pa kasi noong una niya itong nakita at sa tuwing pumupunta ito noon pa sa bahay nila ay puro reklamo na ang maririnig sa kanya. While his brothers used to praise how pretty Krisstine was, busy naman siya sa paghahanap ng maipipintas dito—kung gaano ito kaarte, hindi marunong sa mga ganito, ganyan, kung gaano kapapansin sa mga lalaki at kung anu-ano pa.
"Nag-away kayo?" usyoso nito, biglang naging interesado.
Napasimangot siya. Bigla niya kasing naalala iyong naganap ilang araw na ang nakararaan. Oo, nag-away nga sila. Kaya hanggang ngayon ay inis na inis pa rin siya.
"Siya na nga itong nakipaglandian sa party ni Alejandro, siya pa itong may ganang magwalk-out at iwan akong mag-isa. Kung hindi ko lang kaibigan iyong mga reporters na naroon ay baka na-headline na naman kami. Hindi talaga nag-iisip ang babaeng iyon."
Donder put his feet on the same table his feet were stretched. Then he put his hands behind his head and then leaned on the futon. "Paano naman siya naglandi?"
"Alam ng buong Pilipinas na girlfriend ko siya pero hayun, kung makatawa habang pinapalibutan siya ng mga lalaki eh parang kinikiliti siya," patuloy na himutok niya. "All eyes were on her that night! Tawa kasi ng tawa, nagpapapansin!"
"So, ano'ng ginawa mo?" nakataas ang kilay na tanong nito.
"'Eh di nilapitan ko! Kinaladkad ko nga papunta sa hardin."
"Tapos?"
"Ayun, pinagalitan ko. Kaso, siya pa itong nagdadakdak sa harap ko. Na kesyo hindi ko pa raw naririnig ang side niya ay hinusgahan ko na siya, na wala raw ako ipinagkaiba sa mga basher niya. Pagkatapos ay bigla na lang akong iniwan. Ni hindi man lang ako nakapagsalita."
Muling nanariwa ang gabing iyon sa isip niya. Hindi niya talaga mabura sa kanyang isipan ang histura nito nang gabing iyon. Hindi ang katotohanang nagawa nitong magwalk out sa harap niya o ang pang-iiwan nito sa kanya sa party ang ipinagpuputok ng butsi niya. The sadness in her eyes when she told him those words haunted him and it was killing him.
"Bakit ka affected?"
"H-hindi ako affected ah!" mabilis niyang tanggi, bigla siyang nahimasmasan.
"Kung hindi ka affected, bakit ganyan ka mag-react?"
"K-kasi nga naiinis talaga ako."
"It's been three days pero hanggang ngayon ay naiisip mo pa rin iyon."
BINABASA MO ANG
LIGHTS, CAMERA, SCANDAL?
RomantizmAng kwentong ito ay umiikot sa pinakasikat na Love Team ng Pilipinas. Blitzen Claus has always been the ultimate matinee idol. Gwapo, mayaman, maginoo, tinilian hindi lang dahil gwapo kundi dahil napakagaling din nitong aktor. Si Krisstine Sandoval...