WALA PANG isang minuto buhat nang makatabi ni Krisstine si Blitzen ngunit sandamakmak na klase ng torture na ang inabot ng binata sa nagngangalit na isip niya. If she were to write a book, it would be entitled as "How to Kill Blitzen Claus in 101 Torturous Ways." Ang sarap sigurong pumirma sa mga librong iyon habang prente siyang nakaupo sa harap ng kanyang mesa at nagbu-booksigning sa isang mall.
"I wasn't informed that we're here to have a staring contest," amused na wika ni Blitzen na kanina pa naliligo sa nagbabagang tingin niya. He cooly crossed his legs and put his arms on top of his broad chest. "I am so happy to see you again too, Kriss," nakakalokong ngisi nito.
Exhausted, wala na siyang nagawa kundi ang palihim na irapan na lamang ang mayabang na lalaki. Wala sila sa tamang lugar upang mag-asaran. Lalong wala rin silang oras para mag-angilan. In about five minutes, sasalang na sila sa isang live interview na gaganapin sa isang studio ng ABS-CBN kung saan sila unang nagpaunlak na sagutin ang mga issue na ipinupukol tungkol sa "relasyon" nilang dalawa. The infamous Gonzaga sisters would interview them.
After that pilot interview, tiyak na lilibutin na nila ang lahat ng istasyon para umattend ng kaliwa't kanang interview. It's been three days since their "relationship" has been announced in SBS, but them being an item, was still a hot topic. Inaantabayanan ng lahat ang live interview nila bilang magkasintahan. Sa programang The Buzz nila pinaunlakang maganap iyon.
Isang malaking hamon sa kanilang dalawa, lalo na sa kanyang parte, ang kontrolin ang kanyang sarili at magpanggap na isang devoted girlfriend ni Blitzen sa harap ng maraming tao. Yesterday, they had spent at least three hours to know every possible thing they must know about each other. Kailangan kasi nilang ayusin ang mga impormasyong nakatakda nilang ilahad sa publiko. Bawal silang magkamali, because if they ever did, their career would be doomed.
"Please naman Blitzen, kung balak mong mang-asar ngayon, ipagpaliban mo muna. Hindi ako makakapag-concentrate kung ganitong binu-bwisit mo na naman ako," angil niya.
Inilibot niya ang paningin sa buong studio kung saan sila naroroon. Marami nang tao sa set. All cameras were on standby. Isang pagkakamali lang nila ay tiyak na mahe-headline na naman sila. She calmed herself and concealed her fury with a sly smile. Blitzen grinned in reply.
"Pinapatawa lang naman kita," tudyo nito.
"Naririnig mo ba ang tawa ko?" she sarcastically refuted.
"But I think it's funny," pilisopong sagot nito.
Napabuntong-hininga siya. "For once, let's talk like an adult. Kailangan nating ayusin ang mga isasagot natin sa interview mamaya," she reminded him.
"Don't fret," iling nito. "Kaibigan ko sina Toni at Alex. They won't let us down," kampanteng sagot nito. Iginala rin nito ang paningin sa studio. "Just act what you're supposed to do and everything would be alright. Are you still nervous?" he hesitantly asked.
How could she not be nervous? Kung gano'ng makatitig si Blitzen sa kanya, kung gano'ng kagwapo ang bwisit na binata, kung gano'ng sobrang bango nito at kanina pa ito ngiti ng ngiti sa harap niya? She couldn't rein her heart because of his perplexing presence.
Nagtataka na siya sa kanyang sarili. Diyata't lalong lumalakas ang epekto nito sa kanya habang tumatagal silang magkasama? Palihim niyang ikiniling ang kanyang ulo. No, she wouldn't allow him to mess up her system. Hindi siya papayag na guluhin nito ang puso't isip niya. As of the moment, all she must think was how to act whenever he was around—with or without camera around them. She composed herself and then sighed.
"I was not awarded as the Best Actress for nothing," nagyayabang niyang sagot.
Her reply made Blitzen grin. "I'm glad to hear that."
BINABASA MO ANG
LIGHTS, CAMERA, SCANDAL?
RomanceAng kwentong ito ay umiikot sa pinakasikat na Love Team ng Pilipinas. Blitzen Claus has always been the ultimate matinee idol. Gwapo, mayaman, maginoo, tinilian hindi lang dahil gwapo kundi dahil napakagaling din nitong aktor. Si Krisstine Sandoval...