Isang tanga. Isang bobo.

33 0 0
                                    


Eto na naman ako, isinusulat ang mga salitang tumatakbo sa isip at puso ko. Umaasang baka may makaring sa aking hinaing. Umaasang pakikinggan ang mga salitang aking binibigkas. Umaasang marinig mo ang sinisigaw ng isip at puso ko, "NAMIMISS NA KITA!" sigaw nito.

Wala pa namang tayo, pero bakit ganito mo na lang ako saktan? Wala pang tayo, pero sobra na akong nahihirapan.

Patawad!

Patawad kung nag dedesisyon ako para sa kapakanan ng iba. Patawad kung nag dedesisyon ako na hindi iniisip ang ako, hindi iniisip ang ikaw, hindi iniisip ang tayo.
Patawad kung nag desisyon ako na ibalik ka sa kanya. Patawad kung binalewala ko ang pagmamahal mo saken. Patawad kung hindi ko na inintindi ang nararamdaman ko para sayo. Patawad kung dalawang tao ang na sa loob ko.

Isang tanga. At isang bobo.

Ang tanga ko kasi na saken ka na pero ibinabalik pa kita sa kanya.
Ang bobo ko kasi kahit kailan hindi ko man lang inisip ang ikaliligaya ko. Pero siguro nga, ganito na lang patakbuhin ng tadhana ang tadhana ko.

Ang maging isang dakilang tanga.
Na sinamahan pa ng dakilang bobo.

BEHINDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon