Bawat Patak ng Luha

22 0 0
                                        

Malamig na simoy ng hangin;
Sa gabi'y ako'y yayakapin
Mga luhang tumutulo;
Dahilan ng mga ala-ala ko sayo

Kailan nga ba ako mapapagod?
Mali...
Darating pa ba ang araw na iyon?

Sa bawat pag landas ng maiinit na likido sa aking pisngi;
Mga maiinit na pinagsamahan natin ang aking na aalala.

Kung paano nag babaga ang bawat palitan natin ng salitang
"Mahal kita..."

Pero sa pag lipas ng ilang sigundo,
Ang maiinit na likido ay nanlamig na
Kasabay ng mga ala-ala nating lumamig na.
Mga pakikitungo mong kasing lamig
Ng simoy ng hangin.

Ang dating nag babaga ngayon ay niyayakap na ng hangin.

Kaya kailangan ko ng pahirin ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi;
Kasabay ng mga ala-alang mananatiling ala-ala.

Dahil kahit anong pagbabaga
ng pag-ibig ko
para sayo;
Yayakapin at yayakapin ito
Ng malamig na
Pakikitungo mo.

Kaya tama na ang maiinit na luha ko para sayo;
Tama na ang pag-babalik
Tanaw sa mga maiinit nating samahan;
Tama na ang paulit ulit kong
Pag-alala sa mga maiinit mong yakap;
Mga halik na nag babaga;

Mga palitan ng matatamis at nag iinit na salitang "Mahal kita".

Dahil ngayon...
Hahayaan ko na lamang na yakapin ng malamig na simoy ng hangin ang lahat ng iniwan mong nag-babaga.

Paalam.

BEHINDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon