Paano nga ba tayo nag simula?
Saan nga ba tayo nag simula?Na tatandaan ko pa din lahat.
Kung paano at saan tayo nag simula.Kung paano mo ko nginitian kapag tayo'y nag kakasalubong.
Kung saan mo ko kinausap, at tinanong kung bakit ako nag iisa.
Kung paano mo ko sinuyo.
Kung saan kita sinisilayan.
Kung paano mo ginawa na ako'y mahulog ng sobra ng dahil sa mga titig mo.
Kung saan mo ko tinititigin, mga titig na sobrang ikinakahina ng mga tuhod ko.Ang daming paano at kung saan.
Mga masasayang sigundo, minuto, oras, araw, at linggo.
Pero bakit ganon?
Matapos ng paano at saan,
Bigla kang na wala.
Ni-hindi alam kung paano ka ibabalik.
Hindi ko alam kung saan ka hahanapin.
Kung paano na ako na lang uli.
Kung saan na nga ba ako dyan sa puso mo.Nagkaroon nga ba ako ng lugar sa buhay mo?
Ni-hindi na ako makangiti nitong mga nakalipas na araw.
Para bang na kalimutan ko yung mga gawain ko sa pang-araw araw.
Na wala lahat ng mga magagandang bagay saken,
Kasabay ng pagkawala mo.Namimiss ko na ang sarili ko.
Namimiss na kita.Hindi makatulog sa gabi,
Sa kakaisip kung ano nga ba ang ginawa ko?
Kung ano nga ba yung pagkukulang ko?
Ano ba?
Hindi ko ba sya na pantayan?
Hindi ko ba sya na lagpasan?Patawad.
Patawad kung inakala ko na ako yung gusto mo.
Patawad kung inakala ko na may pag tingin ka saken.
Patawad kung inakala ko may lugar ako sa buhay mo.
Patawad kung inakala ko na mahal mo ako.
Patawad.
Kasalanan ko.Paano kita ibabalik?
Saan kita hahanapin?Paano nga ba kita ibabalik,
Kung hindi ka naman naging akin.
Saan nga ba kita hahanapin,
Kung ayaw mo naman talagang maging akin.

BINABASA MO ANG
BEHIND
RandomSa likod ng mga salitang walang gustong makinig. Mga salitang ikinukulong sa kanyang isipan. PS; Hindi po ito story, para po ito sa mga mahihilig mag basa ng tula. :) My Spoken Words Poetry Piece.