Reham Pacalundo, Hi. :'>
~*~
Hindi ito isang tula na madalas kong isinusulat.
Ito ay magiging mensahe para sa aking mga kaibigan na hanggang ngayon ay na lulunod pa din sa dagat ng kanilang nakaraan.
Nahihirapan akong makita kayo na pinipilit mag bigay ng isang masayang ngiti. Kahit hindi naman talaga ito ang tunay nyong nararamdaman."Palibhasa kasi ang saya saya ng love life mo!"
Linyahang madalas kong marinig.
Wala man ang lalaking nag papasaya sa akin ngayon, pipiliin ko pa ding maging masaya.Happiness is a Choice.
Alam kong mahirap umahon sa pagkakalunod sa sakit at pait ng nakaraan.
Alam kong mahirap alisin ang mga mata sa larawan ninyong dalawa.
Alam kong mahirap pigilan ang pag-iisip sa masasaya ninyong ala-ala.
Alam kong mahirap alisin sa isip ang mga binuo ninyong pangarap.
Alam kong ang hirap burahin ang pangalan nya na naka-baon na sa puso mo.Kailan ba naging madali ang buhay?
Sabi nga nila, "Hindi ibibigay sayo ang ganyang problema, kung alam ng Panginoon na hindi mo kayang solusyunan."Kaya mo naman eh.
Hindi ka pa nga lang handa.Alam mo bang masarap huminga? Yung pakiramdam na walang sakit, o bigat sa loob mo.
Alam mo bang masarap ngumiti?
Yung alam mo sa sarili mo na tunay na ngiti ang ipinapakita mo.
Alam mo bang masarap maging masaya?
Yung ramdam mo na yung buong pagkatao mo na yung masaya.Isipin mo yung mga magagandang moments na nangyare sayo na wala "SYA".
Mag paka-busy ka.
Lumabas kasama mga kaibigan mo.
Mag enjoy ka lang.
Pilitin mo na wag syang sumagi sa isip at puso mo.
Iwasan mo muna yung mga songs na iniiyakan mo palagi.
Matulog ka kaagad ng maaga para wala ka ng oras mag muni-muni.Maraming paraan.
Na sa sayo kung paano mo gagawin.Pray lang!
Magagawa mo din mag move forward sa buhay mo.
BINABASA MO ANG
BEHIND
RandomSa likod ng mga salitang walang gustong makinig. Mga salitang ikinukulong sa kanyang isipan. PS; Hindi po ito story, para po ito sa mga mahihilig mag basa ng tula. :) My Spoken Words Poetry Piece.