Rest in Peace

53 0 0
                                    

Sinubukan kong habulin ka.
Mali.
Ginawa kong habul habulin ka.
Dahil na kakapit ako sa mga pangakong binitiwan mo na binitawan mo na!
Mahal, ayan ang tawag mo sa akin dahil sabi mo ito ang nararamdaman mo para sa akin! Mahal. Ma-hal... mahal na mahal pa din kita.

Sinabi mo saken na kalimutan na kita,
Kasi ganoon na ang ginawa mo nung mga panahong lumalaban pa ako!
Ipinaglalaban ko ang pag-ibig natin, pero nag kamali ako!
Ikaw pala ang kalaban ng pag-ibig ko.
Pag suko laban sa Pag kapit.

Na durog ako, ng malaman ko na hindi mo na ako mahal.
Pero mas na durog at na dudurog pa din ako ng malaman kong may iba ka na pala.
Kahit wala ka na, hindi pa din matanggap ng puso't isipan ko.
Dahil ayaw naman talagang tanggapin!
Hindi kayang tanggapin!

Kumakapit pa din sa mga pangakong naka-sulat pa din sa puso ko na pinako mo na.
Pinako mo sa puso ko na na durog na mas lalo mo pang dinurog.
Dinurog at dinurog mo pa din ang puso kong durog na durog na, na ngayon ay pakiramdam ko abo na.
Abo na! Mga pusong abong tinatangay na lang ng hangin kasabay ng mga ala-alang na buo natin!

At sa pag sabay nito sa tangay ng hangin, isasabay ko na din ang pagmamahal ko para sayo.
Para sayo na hindi mo na kinakailangan at kailangan pa!
Kailangan! Kailangan ko ng tapusin ang lahat ng nararamdaman kong ito dahil unti unti na akong pinapatay nito.
Sa pag patay ng lahat ng nararamdaman ko para sayo, sana magkaroon na ako ng kapahingahan at kapayapaan.

Kapahingahan sa kapayapaan!

BEHINDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon