Pinagmulan

26 0 0
                                    

Hi... Hello...
Ayan ang dalawang salita
Na paulit ulit tumatakbo sa isip ko
Na hanggang ngayon
Ay akin pa ding pinag-iisipan.
Ano nga ba ang una kong sasababihin,
Hi... o Hello...
Wala namang pinagkaiba,
Pareho mo lang naman itong gagamitin
Upang simulan ang inyong
Pag uusap.

Simulan?
*hahaha*
Bigla akong natawa,
Simulan... na babagay ang salitang ito,
Sa lahat ng nangyari sa ating dalawa.
Oo nga pala,
Ikaw nga pala yung naging panimula ko.
Ikaw nga pala yung taong unang nag turo ng karamihang bagay sa akin.
Ikaw nga pala yung naging panimula ng karamihang parte sa aking buhay.
Isa kang panimula para sa akin.

Sayo ko sinimulang matutong
mag tiwala.
Sayo ko sinimulang
Maging masaya ng sobra.
Sayo ko sinimulang
Humalakhak ng malakas.
Sayo ko sinimulang
Makaramdam ng isang kakaibang pagmamahal.
Sayo ko sinimulang
Maiyak dahil sa tuwa.
Sayo ko na simulang matutunang tawanan ang sarili kong kahihiyan.
Sayo ko sinimulang maramdaman
ang pagseselos,
Kapag na papalapit ka sa iba.
Sayo ko sinimulan magalet
ng sobra sobra.
Sayo ako nag simulang
Masaktan ng ganito.
Pero sayo ko din na simulan matutunan ang kahulugan ng totoong pag papatawad.

Ngunit tama nga naman sila.
Lahat ng panimula, ay nagkakaroon ng pagtatapos.
Kaya heto na tayo,
Nag tapos na.
Gusto ko mang sabihin sayo
ang salitang Hi o Hello,
upang masimulan muli
ang ating pag uusap.
Ngunit muli ko din palang na isip
Na ang susunod nga pala sa mga salitang ito ay,
Paalam.

Gustuhin ko man na muli tayong
mag simula,
Hindi ko na kakayanin muling tayo ay mag tapos.

Kaya kontento na ako sa mga ala-ala nating dalawa,
Kontento na ako sa mga bagay na na gawa ko sa buhay ko
Na ikaw ang kasama ko ng simulan ko ito.

BEHINDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon