Shout out nga pala sa friend mong nagsabing ayaw na nya, pagod na sya. Pero para nanamang baliw kiligin kanina. Hahahaha.
Ganon naman tayo eh. Hanggang sabi lang. Hanggang salita lang. Sana bawat sabi natin nun untinunti ring nagfe-fade yung feelings natin no? Sana baqat sabi natin ng 'ayaw ko na' 5% ng feeling mo sakanya nawawala. Sana ganun lang kadali mawala. Parang sya, ganun lang kadaling iniwan ka.
Nakakapamura na ba? Kulang pa yan.
Sana ang feelings ng mga tao, parang kandila, pag nawala na yung init, pag malamig na sya. Wala ka narin. Tapos na agad. Wa ng after effect. Wala ng hahabol na sakit. Wala ng pasabog na HEART BREAKS.
Pero alam mo ba, sa lahat ng sakit na nararamdaman mo hindi lang naman ikaw ang nakakaramdam nyan. Isipin mo nalang si God. Pagnasasaktan ka, nasasaktan din sya. And to think na sobrang dami natin at magisa lang sya. Lahat ng sakit na nararamdaman natin, magisa lang syang sumalo but still, nandyan parin sya.
Ang galing nya diba? Ang bait nya parin kahit nakakalimutan natin sya. Iniintindi parin nya tayo at laging nagpapatawad kahit na alam nyang pwede nating maulit yung mga pagkakamaling yun.
Kapag nasasaktan tayo, pag feeling natin sobrang hirap na. Once na tinwag natin sya gumagaan na agad yung feeling natin. Nakakahibga na ulit tato ng maliwag. Ang powerful no? Dahil si God lang ang nagiisang karamay natin araw araw.
Magkaroon naman tayo ng konting hiya sakanya at bigyan natin sya ng oras kahit na busy tayo. Maglaan tayo ng iras para magpasalamat at humingi ng tawad. Respetuhin natin sya tulad ng pagrespeto natin sakanya.
At wag natin syang iwan dahil never nya tayong iniwan.

BINABASA MO ANG
Selos ka? May pake ba sya?
RandomNaranasan mo na ba magselos? Sa ibang kasama ng crush mo o sa mahal mo? Naramdaman mo na ba yung feeling na gusto mong makipag wrestling sa ibang kasama ni crush o ni gf/bf? Naramdaman mo na ba yung feeling na akala mo naging kayo kung makas...