Red String?

1.9K 34 4
                                    

Kinikilig ka nanaman? Lumapit nanaman sya sayo? Kinausap ka nanaman?

Anong sabi nya? For sure may kailangan nanaman yan kaya yan ganyan.

Porket sabay lang kayo kaninang tumayo pagka break time o sabay lang kayong tumingin sa isa't isa, red string na?

Aasa ka nanaman. Maniniwala ka nanaman sa isang bagay na hindi naman pala talaga dapat pinapaniwalaan. Hay buhay, tama na. Kung ako sayo titigil na ko at itutuon ang isip ko sa ibang bagay. Yung mas deserving.

Ang daling sabihin diba? Kaya lang ang hirap gawin. Ang hirap dumistansya. Ang hirap baliwalaen si crush o yung taong mahal natin pero wala namang pake.

Araw araw napaka rami nating hardships sa buhay. Andyan na yung studies, career at pati likelife/lovelife.

Bes, ito ang advice ko sayo. For girls, I'm not telling to stop assuming dahil natural na satin yun, right? Konting hokage moves lang ni crush nagaassume na tayo so ang ia-advice ko lang is be ready. Know how to ready yourself para in the future hindi na ganun kasakit.

Be who you are. Ipakita mo kung sino ka talaga. Kung anong ugali meron ka, para naman malaman nya agad kung gusto ka ba nya o hindi. Kung bumitaw na agad, it's okay. Marami pang iba dyan. Kung nagstay kahit na abnormal, matakaw, maingay, matindi mag mood swings then congrats! Baka sya na yon.

Be understanding. Hindi porket nag stay at natanggap na nya yung ugali mo. Love relationship agad ang gusto. Pano kung friendship lang pala? Be understanding. Intindihin mo yung pakiramdam nya. Isipin mo nalang na what if ikaw yung nandon sa situation na yun? Anong gagawin mo?

For boys naman. Kaming mga girls mas gusto namin yung straight forward at sincere. Gusto namin yung matalino at walang bisyo. Sana maintindihan nyo rin na natural na ang pagiging assuming namin kaya be careful. Konting maling galaw lang pwede ng bigyan ng meaning yun. Konting ngiti lang may ibigsabihin na samin yun. Kami kasing mga babae, mabilis magkagusto sa isang taong feeling namin naa-appreciate kami. Kaya stop being sweet kung ayaw mong ma-misinterpret. Stop acting like you care very much kung friendship lang ang gusto mo. And stop talking to us kung ang dahilan ng pakikipagusap mo samin ay para may taga gawa ka ng assignments, taga gawa ng projects, taga tapos ng paper works. TAMA NA!

Kung tingin mo matino ka na, sana nakokonsensya ka na ngayon. Sana narealize mo na. Sana naintindihan mo na ko.

Dahil 8 out of 10 girls umiiyak every night dahil sa mga paasang lalaki. Don't misunderstand me okay? Hindi ko kayo nilalahat. Alam nyo naman kung sino kayo, right?

Para naman sa girls na paasa. Hindi lang naman boys ang pa-fall no. Alam natin yan. Tulad ng sa boys, stop flirting kung ang kailangan nyo lang naman ay ATM. Walang taong tumatae ng pera kaya stop using boys para makuha at mabili lahat ng luho nyo.

Gusto mo? BILHIN MO MAGISA. Bakit sya pa bibili para sayo? Sya ba gagamit? Buti sana kung magshe-share kayo diba? Hindi naman. So stop it, girls!

Selos ka? May pake ba sya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon