Ano na bes? May pagunlad na ba? Nakaraos ka na ba? Naka graduate ka na ba sa 'WALANG FOREVER SCHOOL'?
Move forward na mga bes! Puro nalang past, hindi ka ba nauumay? Yung pagiisip mo ng mga nakaraan, hindi ka pa ba napapagod? Iwan mo na yan and move forward.
Wala naman ng mababago eh. Kahit murahin mo pa sya ng paulit ulit, kahit na awayin mo yung bago nya, at lalong lalo na, kahit maging bitter ka pa, wala na! BES, WALA NA!
Marami pang dadating satin at kung hindi natin bibitawan si past baka makalagpas si present at forever ka na dyan sa past mo. Nakakasawa na yan bes.
I have this dream, hindi ko alam kung kikiligin ba ko o ano pero para sakin may meaning sya.
Ako kasi yung ripo ng taong bihira makatanda ng panahinip eh.
Sa panaginip ko, nandon si crush. Nasa loob kami ng room, andun din yung gf nya. Si crush naka upo sa may pintuan tapos yung gf nya sa kabilang dulo.
Lumapit ako kay crush kasi lalabas ako ng room pero narinig ko syang magsalita.
Crush: Pagtapos mo kong hindi kausapin ng matagal bigla kang mag ha-hi sakin? Ano yun?
Sa tono nya, alam kong inis sya. Ni hindi sya makatingin sakin tapos naka close fist pa sya.
Me: Bakit? Masama na ba mag hi? Masama na bang makipagkaibigan?
Crush: Tsk.
Umalis sya dun sa may pinto ng padabog. Kung saan saang sulok ng classrom sya nagpunta at sa hindi ko malamang rason, hinabol ko sya para magsorry. Alam ko kasing galit sya, hindi ko lang alam kung bakit.
Napatingin pa nga ko sa gf nya tapos nakita ko kung gano sya makatingin, parang mangangain.
Tumigil sya sa pagiwas at hinarap ako.
Crush: If ever na hindi kami mag work (gf) please lumayo ka na. Wag kang papatol sakin, wag mong hayaang maging tayo kasi magiging complicated lang lalo ang lahat. Ikaw na ang lumayo.
Yung line nya na yon ang pinakanaalala ko. Feeling ko totoo yung panaginip ko, hindi ko alam kung bakit. Well, naa-amaze lang naman ako.
Btw, tingin ko ibigsabihin lang nun move forward na. Kung may ka-relationship na si crush back off na tayo. Pag kasi nagantay lang tayo ng break up nila at sinanay natin ang sarili nating maging 'shoulder-to-cry-on' nila lalo lang tayong masasaktan.
Yung bigla nalang maiisip ng crush mo na gusto ka nya after ng break up nila. Ikaw naman, asang asa kaya pumatol ka tapos sa dulo rebound ka lang pala.
BINABASA MO ANG
Selos ka? May pake ba sya?
RandomNaranasan mo na ba magselos? Sa ibang kasama ng crush mo o sa mahal mo? Naramdaman mo na ba yung feeling na gusto mong makipag wrestling sa ibang kasama ni crush o ni gf/bf? Naramdaman mo na ba yung feeling na akala mo naging kayo kung makas...