Confused? Maraming nakakaramdam nyan ngayon.
Ano ba kasi talaga? Gusto mo ba o hindi? May pake ka ba talaga o wala? Interesado ka ba o hindi? Sabihin mo na.
Habang pwede pa, habang may pagasa pa at para hindi na kayo naghuhulaan. Hindi naman kayo parehong mangguhula eh.
Diba nga sabi nila, pag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan.
Ngayon palang magdesisyon ka na, alamin mo na, aminin mo na. Bago ka pa umaabot sa pagkakataong sasabihin mong "sayang naman".
Kung kelan wala na saka mo hahabulin. Kung kelan nagdesisyon na syang bumitaw saka ka naman kumapit. Nagkakasalisi kayo at in the end ikaw parin naman ang kawawa.
Ayos tayo mga dre. Sa panahon ngayon sa effort nag be-base ang girls. Sa kung pano mo ipapakitang katiwa-tiwala kang tao. Ibuhos mo lagi lahat ng best mo dahil once na nakuha mo na yan, worth it yan panigurado.
Kaya payo ko sayo. Do it now or never. Isipin mo na isa lang ang chance na meron ka. Sabihin mo na lahat. Set aside mo muna yung katorpehan mo. Set aside mo muna yang worries mo and be confident.
Kung nag wo-worry ka na baka mareject ka lang, don't be. Think positive. Atleast nasabi mo, naparamdam mo sakanya. At wala kang pinagsisisihan kasi alam mong nagawa mo lahat.
Isipin mo na kaya ka nareject dahil hindi sya ang nakalaan. Hindi sya yung gusto ni God para sayo at magintay ka nalang ulit.
Kung naguguluhan ka naman magdecide then be honest, wag yung patatagalin pa.
Mas masakit umasa na posible kesa malaman agad na imposible pala.
==================A/N: I've seen my notif and most of it are from this story, I'm glad na nagugustuhan nyo, I hope magpatuloy pa ang suporta nyo sakin 'till the end~
BINABASA MO ANG
Selos ka? May pake ba sya?
De TodoNaranasan mo na ba magselos? Sa ibang kasama ng crush mo o sa mahal mo? Naramdaman mo na ba yung feeling na gusto mong makipag wrestling sa ibang kasama ni crush o ni gf/bf? Naramdaman mo na ba yung feeling na akala mo naging kayo kung makas...