Inspiration vs love

471 12 1
                                    

Alam mo yung feeling na may nabasa ka ulit na convo nyo pero hindi mo magawang burahin for some reasons na hindi mo rin alam.

Nakakatawa mang isipin pero aminin mo na nagmumukha ka naring tanga habang paulit ulit mong binabasa yung convo nyo dahil hindi mo namamalayang ngumingiti ka na pala. Bigla nalang may magaasar sayo kaya mo nalalaman.

Tingin mo, inlove ka na kaya? Crush mo na kaya?Pero ang mas nakakatawa pa dun, hindi mo magawang aminin sa sarili mo kasi alam mong kaibigan lang ang dapat mamagitan sainyo.

Truth hurts mga besh!

Anong magagawa natin eh yun lang ang kaya nya. Hindi mo naman pwedeng ipilit ang ayaw. Crush lang talaga, pero kasi minsan yung akala mo crush lang, after so many years na crush mo sya 'di mo namamalayan mahal na pala yun.

Yun yung mahirap, yung umabot ka sa stage na mahal mo na pala sya.

Advice ko sainyo besh, know your limitations, di masamang magkacrush pero kung alam nyong walang pagasa, wag nyong kalimutang hanggang crush lang at walang involve na love.Dahil paniguradong masasaktan ka lang sa huli.

Inspiration is inspiration, love is love. Magkaiba ang dalawang yan kaya wag nyong ipagsama.

Kung alam mong imposible, dun ka lang sa inspiration section at kung alam mo naman na pwedeng i-level up ang feelings mo sakanya, yung nasa point na talagang positive (hindi yung feeling mo lang ah! Dapat yung talagang nakikipagcooperate din sya. Yung talagang willing sya) edi yun na yung chance mo para mageffort at hindi sayangin yung chance na meron ka ngayon!

So ano? Naliwanagan po ba kayo? Hahahaha Ako, andun lang ako sa inspiration section haha. Kayo ba? Samahan nyo nalang ako hahahaha

Selos ka? May pake ba sya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon