Chapter 3: New Friend

490 12 0
                                        

Kaity.

Grabe yung siksikan dito. Parang hindi maubos ubos yung tao eh, palibhasa kasi first day. Hindi ko pa nakikita yung section ko. Pero panigurado namang nasa section 1 ako 😁.
Dahil sa sobrang dami ng tao dito at siksikan, di tuloy ako makaalis alis.

"Ahhhhh! nandito na ang ikalima! "

"Wahhhh! ang Gwapo mo Alex!!"

Tsk. Bakit ba nagkakaguluhan sila dun? anong meron? Artista? Kung makasigaw eh no?

*Bugs*

"Aray!"

Ansaket ng pwet ko mga bes!

"Tatanga tanga kasi eh! sa susunod tignan mo yang dinadaanan mo ha? para dika makaantala ng iba! "

Wow. sya pa talaga ang may ganang magalit samantalang sya naman ang may kasalananan. Di manlang nag sorry. Ahhhh! nakakainis na talaga! walang matino dito! Huhu. ang sakit tuloy ng pwet ko, nauntog dahil dun sa babaeng yun. Dipa ako tinulungan, talaga naman oh? Ganito ba talaga ang mga estudyante dito? Wala talagang tutulong sakin eh no?

"Miss? Okay ka lang ba dyan? "

"Ahm. Oo! medyo masakit ngalang yung pwet ko dahil sa pagkakauntog. "

hawak hawak ko padin yung pwet ko kasi nga masakit. Pagkatingin ko sa lalakeng nagsasalita shocks!

Ang Gwapo nya mga bes 😍

"Halika? tulungan na kitang tumayo dyan. "

Anghel ba tong nakikita ko? Grabe ang gwapo tapos ang bait nya <3

"Ahm. Salamat!"

Sige Alis nako.

Wahhhhh! napaka swerte ko naman dun? grabe ang pogi nya! kaso diko manlang natanong yung name nya! sana makita ko ulet sya. Hayst! makapunta na ngalang sa room. Btw Section 1 ako ( Grade 10 - Diamond )
Oh dipa precious gem.


*Classroom*

Sabi sakin ni mommy Make some new friends. Kaya naman Makikipagkaibigan ako sa kanila.

"Hi! Good Morning!"

Ay! No pansin sila. Napaka studious naman ng mga Classmates ko. Hehez wala akong makausap sa kanila, makapunta na ngalang sa upuan ☺️

"Hi! Ako nga pala si Ellaine"

"Ay! Hello! akala ko wala ng papansin sakin dito. ☺️

"Nakooooo! Hahahahaha! Di naman. mga studious lang talaga ng mga classmates natin. Alam mona ☺️ Section 1?"

"Oo nga eh"

Pero bago pa man kami makapag kwentuhan ni Ellaine Dumating na yung Adviser namin.

"Okay, so Good Morning Class! I'm your Class Adviser. I'm Mrs Marry Anne Ariniego. In this Class may mga rules kayo na dapat sundin, Ang sino mang di susunod ay mapaparusahan. I don't play teachers pet, kaya wag na kayong sumipsip. So kindly, one by one Tell something about yourself."

Great. Terror yung class adviser namin. Huhu Ang hirap naman nito. 😭😭 Lahat na sila nagsasalita sa harap para magpakilala. Pagkatapos ni Ellaine ako na ang susunod. Wahhhhh! diko alam kung maiihi ba ako or matatae dahil dito. Para akong tanga na nakatayo sa Harapan.

A Bad Boys Heart (On Going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon