Chapter 13: Stranger

363 16 0
                                    

Ice.

Maaga akong nagising dahil maaga rin namang dumating sila tita Berna at Liam. Tsaka sabado ngayon, may training kami sa basketball. Oo tama, bukod sa member ako at leader sa dance club, varsity player at captain din ako sa basketball team ng school namin.

Tinignan ako ng masama ni Liam animoy parang may kasalanan ako.

"What's your problem bro?"

"Hoy Ice. Wala ka naman sigurong ginawang hindi kanais nais sa kapatid ko habang wala ako hindi ba?"

Tumawa lang ako dun sa sinabi niya. Bakit naman may gagawin akong masana kay Kaithy? Oo basagulero at loko loko. Pero hindi ibig sabihin nun masama na akong tao. Meron parin naman akong respeto sa mga kababaihan.

"Syempre naman..."

"What?!"

Bigla nalang siyang sumigaw, may mali ba dun sa sinabi ko? or na misinterpret niya yung sinabi ko? Hindi kasi ako pinapatapos magsalita eh. Ano ba yan!

"Woah Let me finish first bro. Masyado kang mainitin. Wala akong masamang ginawa sa kapatid mo okay?

"Sigaruduhin mo lang Ice"

Tapos bigla namang dumating itong si tita Berna na mukhang kakatapos lang mag luto ng almusal.

"What are you two doing? Liam gisingin mo na yung kapatid mo. At ikaw naman Ice dito kana mag almusal Nagluto ako ng scrambled egg."

"Nako wag na po ma. Hindi na daw po dito kakain si Ice kasi aalis na siya. Di ba Ice?"

Nakatingin siya sakin habang naka taas yung kilay. Parang senyas ba na sakayan ko yung sinabi niya. Kahit kailan talaga itong si Liam.

"At bakit hindi pwede ha Liam? Ice sige na. Kahit dito ka nalang mag almusal, pasasalamat ko sayo to dahil sa pagbabantay mo sa baby girl ko."

Ang bait talaga ni tita Berna. Di tulad ni Liam at Kaithy na sobrang maiinitin ang ulo -___-
Ngumiti nalang ako kay tita Berna Tapos itong si Liam naman sinamaan lang ako ng tingin

" wag na po tita. Tama po si Liam kailangan ko na rin po kasing umalis. May praktis po kasi kami ngayon. Tsaka hindi niyo na po kailangang magpasalamat sakin, okay lang naman po sakin yung ginawa kong pagbabantay sa baby niyo. Good girl naman po siya eh."

Sinamaan ulit ako ng tingin ni Liam na parang sa kaloob looban niya ay kinakain na ako ng isang halimaw.

"Ang dami mo pang sinasabi Ice"

"Liam! What kind of attitude is that?! ikaw talagang bata ka!"

Sabay pingot sa tenga ni Liam

"Hahaha! Tama na po yan tita"

Tumingin naman agad sila sakin. Binitawan ni tita berna yung tenga ni Liam tsaka tumayo ng maayos. Si Liam naman mukhang nasaktan dahil sa ginawa ni tita Berna.

"Okay sige Ice, pagbibigyan kita ngayon. Pero kailangan dito ka mag dinner mamayang gabi!"

"But Ma!!"

A Bad Boys Heart (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon