Kaithy.
Monday, araw ng pasukan. Araw din ng asaran ngayon lalo na dun sa mga bully dahil may pasok at meron na naman silang mapagtritripan. Gaya nung iba pang nagdaang araw syempre ako na naman yung trip nung mga kaibigan ni kuya, isali niyo na din siya. Ever since nung pumasok ako sa school na to nagulo na yung napaka tahimik kong buhay. Nakakainis lang isipin na ang naninira nito eh yung mga kinaiinisan ko pang tao ang "Bad Boys".
Nandito kami ngayon sa room ni Ellaine. Simula kanina pa, wala na siyang ibang ginawa kundi ang humingi ng sorry sakin dahil sa nangyari nung sabado. Naiintindihan ko naman yun eh.
"Uy Kaithy sorry na kasi, biglaan lang kasi talaga yung meeting. Pero promise sa susunod di na ulit yun mang yayari."
Tinignan ko siya tapos tinaas ko yung isa kong kilay.
"Talaga? promise yan ah"
Tapos ngumiti na siya ng napaka lapad. Kiniliti naman niya ako ng kiniliti na halos ikamatay ko na. parang tanga talaga siya,na pa ka isip bata pa. And that's the reason why I like her
after nung kulitan namin ni Ellaine kanina napag desisyunan namin na mag advance reading nalang muna para sa susunod na lesson namin. At since vacant namin ngayon, yung iba nasa labas at yung iba naman umuwi na kahit may susunod pang klase. Mga estudyanteng mahilig mag ditch ng class tsk
I was reading my English book ng biglang inagaw sakin ni Jannica yung book. Napatayo naman agad si Ellaine ng makita niya yung ginawa sakin ni Jannica
"Hey! what do you think are you doing huh?"
Kita sa mukha ni Ellaine ang galit, bakas rin ito sa mga kamay niya na nagpipigil
"So what? Mga pa feeling genius lang naman kayo eh. Stupid Nerds!"
Iniripan niya kami ni Ellaine sabay tapon nung book ko sa sahig
"You!"
lumapit si Ellaine kay Jannica tapos laking gulat ko ng hilain ni Ellaine yung kwelyo ng uniform ni Jannica
"Psh, don't tell me Ellaine na pati ikaw nerd na rin? A nerd protecting another nerd what a great scene huh? All I thought mabait ka? psh you really are a good pretender Ellaine.
nakangisi si Jannica habang si Ellaine naman nagpipigil ng galit, tapos nandito ako nakatayo lang habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Aktong sasampalin na ni Ellaine si Jannica pero buti nalang nagawa ko pang pigilan yun.
"Ellaine, tama na yan. please."
pagpapa kalma ko kay Ellaine dahil mukhang sasabog na siya dahil sa inis at galit niya kay Jannica. Tumingin siya sakin, pero yung tingin niya sobrang nakakatakot. Hindi ko alam na may ganitong side palang tinatago si Ellaine. Ang side niyang nakakatakot. Nakaramamdam ako ng galit sa sarili ko dahil ako ang dahilan kung bakit nakikipag away ngayon si Ellaine kay Jannica. Na paka stupid ko talaga, sarili kong kaibigan pwede kong ipahamak. lumapit ako sa kanya tapos tinanggal ko yung kamay niya mula sa mahigpit na pagkakahawak nito kay Jannica.
"You'll regret this."
Inayos ni Jannica yung kwelyo niya tska umalis. Nakaramdam ako ng takot dahil sa sinabi ni Jannica. What if may gawin siyang masama kay Ellaine dahil sa ginawa niya?Wag naman sana. Dahil hindi ko mapapatawad yung sarili ko kung sakaling may masamang mangyari kay Ellaine ng dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
A Bad Boys Heart (On Going)
Teen FictionIsa? dalawa? tatlo? apat? lima? LIMA! oo tama! lima silang mga bwisit sa akin! Dahil lima silang nanira sa katahimikan ng buhay ko! nagsimula lahat yun nang pumasok ako sa school na yun. Meet Kaithy Mendes, isang nerd na estudyante na walang ibang h...