Chapter 16: Facebook

394 8 0
                                    

Kaithy.

ANO ITO?

Ice Mendoza added you as a friend

Alex Lim added you as a friend

Ethan Jung added you as a friend

Eli Lopez added you as a friend

Ang mga sikat sa school in-add ako?! panaginip ba ito?! I a-accept ko ba? tsk. baka pagtripan lang nila ako eh! pero si Alex... gusto ko talaga siyang maging friend sa fb kaso nahihiya ako!
hmmm.. si Ice lang naman ang kaaway ko eh! kaya naman...

Alex Lim is now friends with Kaithy Mendes

Ethan Jung is now friends with Kaithy Mendes

Eli Lopez is now friends with Kaithy Mendes

hmp! maasar ka sana Ice maasar ka please! Gusto ko sana makita yung mukha niya pag galit eh, kaso ayokong bumaba. Papagalitan pa ako ni kuya. Bait bait kasi ni Kuya Liam eh... SOBRA

nag beep ulit yung phone ko

1 new message

Sino naman kaya ito? bibihira kasing may mag chat sakin eh. Mai check nga ito.

"Hi Betty na manang na kapatid ni Liam! salamat sa pag accept!"😘😘😘😘❤️❤️❤️

Walang hiya. Si Ethan lang pala -___-

"Stupid. I have a name! its KAITHY!"

"Sunget!"

"K."

i-nend ko agad yung conversation namin. Puro pang aasar lang naman eh. Kotang kota na ako sa kanila Sobra. Umiinit lang ulo ko dahil sa kanila. Ang mabuti pa mag shower nalang muna ako.

After kong mag shower syempre nagpalit muna ako white na malaking damit tapos short lang. Lunch time na, dahil di ko naman ugaling mag suklay tinali ko nalang yung buhok ko ng messy bun di ko na rin muna sinuot yung eyeglasses kong mala betty lafea. After kong mag ayos bumaba na ako. Nasa sala sila kuya kaya naman di ko sila makikita, dumeretso ako agad sa kusina para kumain.

"Oh nandito na pala yung alaga ko eh. Okay ka na ba anak?"

di lang si mommy yung tumatawag sakin ng anak pati rin si yaya. Parang nanay na din kasi ang turing ko sa kanya siya kasi yung nag alaga samin noong mga bata pa kami lalo na kapag nasa business trip si mommy.

"Opo ya. Okay na po ako"

pinaghain na niya ako ng pag kain,ako lang ang mag isang kumakain ngayon. Bibilisan ko nalang kasi for sure dito din kakain yung mga mokong na yun... at ayoko silang makasabay!

Dahil sa kamamadali kong kumain muntik na akong mabulunan sakto pang walang tubig na nilagay si yaya. Dali dali akong tumayo tapos pumunta sa ref. kinuha ko agad yung tubig na nakalagay dun. Dahil nahihirapan na ako at nagmamadali na rin akong uminom pati din tuloy yung tubig nabuhos sa damit ko.

"Oy Liam sigurado kang masarap yung ulam ah"

"Nagugutom na tuloy ako"

A Bad Boys Heart (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon