Liam's POV
Nauna na akong umalis ng bahay dahil hindi daw muna papasok si Manang ngayon sabi ni mommy. dahil kailangan niya daw magpapagaling at magpapahinga mula sa nangyari kahapon. Kaya naman maaga akong nakaalis ngayon dahil wala akong manang na matagal mag ayos na kailangang hintayin ng matagal.
Pero kahit ganun hindi rin pala ako sanay na di siya kasabay pumasok. Nasanay na rin kasi akong mag hintay ng matagal sa kanya tuwing umaaga, pati sa bunganga niyang talak ng talak tuwing umaga dahil sa pangaasar ko sa kanya. Sobrang tahimik ng paligid ko ngayong wala siya.
**
Wala akong ganang pumasok sa school di katulad nung nag daang araw. Kahit yung mga babaeng bumabati sakin ng Good Morning di ko pinapansin, wala ako sa mood makipag flirt sa kanila ngayon.Pumasok na ako sa room pero sa buong klase ganun parin, di ako nakikinig sa teacher although gawain ko na talaga ang di makinig. Pero iba ngayon, yung utak ko lumilipad kung saan. Iniisip ko kasi kung ano na yung kalagayan ni Kaithy ngayon.
"Sana okay ka na...Kaithy."
"Hoy!!"
nagulat ako dahil dun sa sumigaw, si Ethan kaya naman natauhan ako
"Kanina pa ako nag kwe-kwento pero di ka naman nakikinig.. Ano ba kasing iniisip mo ha?"
Tumingin sakin si Ice pati na rin yung tatlo. Hayst ganun ba kalalim ang iniisip ko at nawawala ako sa sarili ko ngayon?
"Wala naman..."
"Wala daw pero nawawala sa sarili..."
"Pwede ba Ethan tumahimik ka na? Ang gulo mo eh." tapos binalin ni Ice yung atensiyon niya sakin."So kamusta na siya? Okay na ba siya?"
Binalin ko sa iba yung tingin ko, di ko kasi maiwasang isipin yung kalagayan ni Kaithy ngayon.
"Siya? sinong siya?"
Tinatanong na naman ako ni Ethan.Kahit kailan talaga napaka ingay niya.
"Babae ba yan bro?"
"Pwede bang tumahimik ka na Ethan?
mNananakit na yung tenga ko sa kakatanong mo"
sinamaan ko siya ng tingin. Kaya naman tumahimik na siya
"Relax okay? masyado ka namang mainitin Liam"
di ko siya pinansin"Liam di mo padin sinasagot yung tanong ko."
tinignan ko siya saglit tapos binalin ko na ulit sa iba yung atensiyon ko.
"Di siya pumasok ngayon dahil nagpapahinga siya. At isa pa medyo maayos na rin yung kalagayan niya.""Teka ngalang sino ba yan ha Liam?"
"Si Kaithy....."
"Ha?!"
sabay sabay pa silang tatlo na sumigaw."Bakit anong nangyari?"
"Pinagtulungan siya kahapon nila Crystal."
"Si Big sis ang may gawa? ang babaeng yun! Isusumbong ko talaga siya kay daddy"
tuwing naiisip ko si Crystal pati na yung alipores niy kumukulo talaga ng sobra yung ulo ko.
"Liam pwede ba namin siyang bisitahin sa bahay niyo?"
diko inaasahan na siya pa mismo ang magsasabi nun....Si Alex... kahit si Ice at yung 2 pa eh nagulat. Bibihira kasing bumisita etong si Alex eh. At bibihira rin siyang magalala sa isang babae, sobrang nakapagtataka lang talaga.

BINABASA MO ANG
A Bad Boys Heart (On Going)
أدب المراهقينIsa? dalawa? tatlo? apat? lima? LIMA! oo tama! lima silang mga bwisit sa akin! Dahil lima silang nanira sa katahimikan ng buhay ko! nagsimula lahat yun nang pumasok ako sa school na yun. Meet Kaithy Mendes, isang nerd na estudyante na walang ibang h...