Chapter 17: First Kiss

721 16 10
                                    

Kaithy's POV.

Hayst. Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nung mangyari yun. Si Ethan talaga ang may kasalanan sa lahat ng yun eh! pati na rin dun sa taong nag picture at nagpost ng picture namin ni Ice! Ugh! kung di sana nila pinost yun eh di sana ako pinagalitan ni Kuya!. Atsaka Tuwing naaalala ko yun bumabalik din sa utak ko yung itsura at position namin ni Ice which is sobrang nakakadiri! Ewww! buti naman sana kung si Alex yun! mas gusto ko pa sana. Pero bakit kay Ice pa?! Yucks!

Pa dabog akong naglalakad ngayon sa may hallway. Ewan ko ba naman kasi kay maam kung bakit ako pa pinagbuhat netong mga books eh andami namang mga boys sa room. Baka may galit sakin yung terror na teacher na yun. Ang sabi niya dalhin ko daw sa old faculty room okay lang naman sakin yun eh! pero bakit dito sa may old building pa?! mamaya may multo dito! huhu I'm scared!

"Bakit naman kasi dito pa pinadala ni maam. Nakakatakot dito lalo na at walang estudyante"

pagbukas ko ng pintuan naubo ako kasi sobrang alikabok! old faculty nga diba? OLD. Bukod sa maalilabok, sobrang dilim din. Para ngang may multo talaga dito eh.

I sighed.

"Okay Kaithy. Ilalapag mo lang itong mga  libro dun sa mesa tapos tatakbo ka na"

Para na akong tanga dito kasi kinakausap ko na yung sarili ko. Eh bakit ba?! sa natatakot ako eh! Dahan dahan akong naglakad palapit dun sa table ng biglang mag close yung pintuan.

*Bugs*

Kinilabutan naman ako bigla. Mas lalo tuloy dumilim dito sa loob! Wala akong makita!
Naramdaman kong may papalapit na tao sakin. Kahit na madilim nararamdaman ko parin yun. tsaka naririnig ko rin yung mga yabag ng paa niya.

"Sino yan?"
Madilim kaya di ko makita kung sino ito. Natatakot na ako.

"Kaithy"
Tinawag niya ako. So it means na kilala niya ako. Napakalamig ng boses niya. Papalapit parin siya ng papalapit sakin. Mas lalo tuloy akong natatakot, halos di na rin ako maka galaw mula sa kinatatayuan ko.

Nagulat  nalang ako ng bigla niya akong hilain. Nabitawan ko tuloy yung mga librong hawak hawak ko. Sinandal niya ako sa pader, hinawakan niya din yung dalawa kong kamay. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya hindi tuloy ako makawala! Huhu! Kuya Liam!!! Help me!!!

"Ano ba yang ginagawa mo?! Bi-bitawan mo nga ako!"

Imbes na bitawan niya ako mas hinigitan niya pa yung hawak niya sakin. Nilapit niya din yung mukha niya sakin, sa sobrang lapit nararamdaman ko na yung hininga niya.

"La-layuan mo nga ako!"

pinilit kong kumawala pero masyado siyang malakas!

"What a noisy mouth"

Nanlaki nalang ang mata ko sa sunod niyang ginawa....
HE KISSED ME! Shet! what?!! paki ulit nga?!

HI-NA-LI-KAN NIYA A-KO?!!!

Nagdikit yung mga labi namin!!!!
Ano bang problema netong lalakeng eto at nanghahalik nalang siya bigla?! inutusan lang naman akong magdala ng libro sa old building na ito! pero bat bigla nalang akong hahalikan?!

Di ko maisip kung sino ba itong lalakeng ito na humalik sakin?! Wala namang kasing nagkakagusto sakin na lalake eh! Huhu. Ang masakit pa neto sa isang unknown person ang FIRST KISS ko! Inihahanda ko pa mandin ang first kiss ko para kay Alex! nagbabaka sakali lang  naman ako eh! Pero bat ganun?! ang malas ko naman talaga oh! Ang panget ko na nga! Sira na nga yung tahimik kong buhay! tapos eto pa?! NAPUNTA LANG KUNG KANINO yung pinaka iingatan kong FIRST KISS!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Bad Boys Heart (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon