THIRD FIGHT: THE ENCOUNTER

1.9K 50 1
                                    

THIRD FIGHT: THE ENCOUNTER

Habang naglalakad sa pamilihan si Ross may nakabunggo siyang isa pang bata.

“Hoy ano ka ba bulag!”

“Hoy ka rin, ikaw kaya ang nangbunggo sa akin!”

“Hampaslupa! Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan!”

Tama kayo sa mga iniisip nyo! Si Prinsipe Vie nga yung nakabangga kay Ross at dito nag-umpisa ang rivalry nilang dalawa.

“Sa susunod anak mahirap, pipili ka ng taong makakabangga mo! Hindi mo ba ako kilala?”

“Wala akong balak kilalanin ka kaya tumabi ka na dahil madami pa akong gagawin.” *walk-out*

“Bastos ka! Mga kawal!”

Biglang nagpakita yung mga sundalong nagbabantay kay Prinsipe Vie at hinawakan si Ross, Syempre aanhin pa ni Ross ang galing sa pakikipaglaban kung hindi nya ipagtatanggol ang sarili diba? Kaya ayun inisa-isa nyang patumbahin yung mga kawal.

“Wala na bang iba? Aaaa ikaw pala yung pinag-uusapang prinsipe. Tama nga sila, MASAMA ANG UGALI MO!”

“Magsisisi ka sa ginawa mo!”

“Talaga? Balita ko magaling ka daw sa lahat ng bagay? Kaya mo kaya ako?”

“Makikita mo.”

Naglaban si Ross at si Prinsipe Vie, halos pantay ang laban…………. Joke lang ………. lamang kasi si Ross sa galing sa pakikipaglaban. Bawat suntok ng prinsipe naiiwasan nya pero yung mga suntok ni Ross tumatama sa kanya. Galit na galit si Prinsipe Vie pano napapahiya na siya don akala niya kasi siya ang pinakamagaling sa kaharian. Well nagkakamali siya dahil pagdating sa basag-ulo wala siyang binatbat kay Ross.

*sa palasyo*

“Pinatawag nyo daw po ako mahal na hari, mahal na reyna.”

“Heneral”

“Pag-utusan ninyo ako kamahalan.”

“Balita ko may anak ka daw na magaling sa pakikipaglaban.”

“Totoo po, ngunit bata pa po siya para maging sundalo.”

“Hindi naman naming hihilingin  na ipasok mo sya sa digmaan.”

“Kung gayon, ano pong kailangan nyo?”

*biglang pasok si Prinsipe Vie dala-dala ang taong may supot ang ulo*

“Mahal na hari, gusto kong pugutan nyo ng ulo ang taong ito!”

“Mahal na prinsipe bakit ba galit na galit ka sa taong yan? Ano bang kasalanan nya?”

“Wala siyang galang sa akin at kinalaban nya ako!”

“Siya ba ang may gawa ng mga pasa sa mukha mo?” *ngiti*

“Heneral, maaari mo bang tanggalin ang balot sa kanyang ulo?”

“Masusunod po.”

*Tanggal*

*Namutla ang heneral*

“Siraulo ka, madaya!!! Kung hindi mo ako sinabuyan ng buhangin sa mata malamang tinalo na kita!!!”

“Ross?”

“Ama?”

“Anong ginagawa mo rito?” silang dalawa

*pagkatapos ng mahabang paliwanagan kasama na ang pang Oscar na dramahan*

“Ako na po ang humihingi ng tawad sa nagawa ng anak ko.” *bow*

“Walang anuman heneral, kalimutan mo na.”

“Ano? Kakalimutan na lang yung ginawa niya sa akin?!!!”

“Mahal na prinsipe!!! Wag mo akong sigawan!!! Sigurado namang akong ikaw ang may kasalanan!!!”

“Nakakainis!” *busangot ang muka*

“Bata, gusto mo bang sumali sa sandatahan ng palasyo pag laki mo? Malaki ang maitutulong mo sa amin.”

“Akin ang karangalan.” *sabay tingin na pang-asar sa prinsipe*

PLEASE SUPPORT MY STORIES: ANG OTAKUNG TEACHER at MY DEAR ANGEL ORB

The King's Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon