FIFTH FIGHT: CONFUSE

1.7K 41 3
                                    

FIFTH FIGHT: CONFUSE

(POV: Vie)

Aaaaaaaa nakakainis talaga!!! Yung lalaking yon, sabi ko na nga ba pag wala ako kung anu-anong ginagawa niya. Hindi pa nga ako nakakaalis nakahanap na ng IBA! Teka ano bang sinasabi ko? Kasi naman manglalandi lang ng babae sa harap pa ng kwarto ko! Waaaaaahhh naiinis talaga ako, ewan ko ba parang ayaw ko na tuloy umalis bukas.

Kinabukasan

“Gabayan ka nawa ng langit mahal kong prinsipe.”

“Maraming salamat, inang reyna.” *walang gana*

“Tandaan mo lang wag kang mag-uuwi ng buntis na prinsesa dito.”

“Ina naman.” *walang gana*

“Nagpapaalala lang, nasa tarangkahan ang makakasama mo.”

“Mauna na po ako.” *walang gana*

“Bakit ba parang wala kang gana?”

“Mahal na reyna pwede po bang…”

“Hindi pwede, umalis ka na kanina ka pa inaantay ng kasama mo. Wag kang mag-alala sasaya ka rin mamaya.”

“Sige po.”

Sa may tarangkahan

“Ang tagal naman ng haring yon, pero pag usapang babae napakabilis niya.”

*dumaan si Vie*   *tingin kay Ross*

“Hoy kawal, bakit ka nandito?”

“Hinihintay ka.”

“Ako? Aaaaahh pasensya na hindi tayo pwedeng maglaban ngayon may pupuntahan ako.”

“Ay tanga.” *bulong*

“Anong sinabi mo?”

“Wala po kamahalan, nandito po ako para samahan kayo sa pupuntahan nyo. Inutusan po ako ng reyna.”

“Talaga?.” *Kislap mata*

“Opo, umalis na po tayo.”

“Tara na.” *ngiti hanggang tenga*

Buti na lang at siya ang pinasama ng reyna mapapanatag na ako. Hoy mali na naman yang iniisip nyo! Ang ibig kong sabihin, masaya ako dahil pwede ko siyang makadwelo ulit habang naglalakbay kami. Madumi talaga yang mga pag-iisip nyo!

*habang naglalakbay, palihim na tingin sa isa’t  isa*

(    ~,~) à (     ~,~)

(=__=  ) ß (~  __~   )

(   >__>) à (    o__o)

(+__+  ’’’ ) ß (<__<    )

Isip ni Ross: Hihingi ba ako ng tawad?

Isip ni Vie: Tatanungin ko ba siya tungkol kagabi?

Isip ni Ross: Wag na lang kaya lalo lang magmamataas to

Isip ng Vie: Halata naman na may relasyon sila

Isip ni Ross: Pero paano kung galit nga siya sa nangyari baka parusahan pa ako nito

Isip ni Vie: Pano kung mali ako ng iniisip?

Isip ni Ross: Ano bang gagawin ko?

Isip ni Vie: Magsasalita na ba ako?

Isip ni Ross: Gagawin ko ba?

Isip ni Vie: Aaaaa ewan ko!

“Aaamm, mahal na hari!”

The King's Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon