SECOND FIGHT: THE WICKED AND THE STRONGEST
Katulad ng inaasahan lumaking gwapo ang prinsipe yung tipong pansinin talaga, standout, agaw eksena, makalaglag panty, yung kapag nginitian ka nya pwede ka nang mamatay syempre prinsipe sya e di pwedeng kamuka siya ni Shrek. Dapat talented din sya magaling sa lahat ng bagay lalong lalo na sa pakikipaglaban. At higit sa lahat hindi dapat kalimutan ang pinakaimportanteng katangian nya, siya ay
.
.
.
.
.
.
.
.
MAY MASAMANG UGALI
True masama ang ugali nya, anu yon gwapo na nga siya, magaling sa lahat ng bagay tapos mabait pa? PERFECT? Walang ganon! Tinatanong nyo ako kung gaano kasama ang ugali nya? Basahin nyo na lang yung susunod na bahagi!
“KATULOOOOOONNNNNGGGGGGG!”
“Nandito na po kami mahal na prinsipe, may ipag-uutos po ba kayo?”
“Oo”
“A…ano po yon?”
“Patayin mo yung sarili mo! Wala kasing kwentang tao! Alisin nyo nga yang hampaslupa na yan sa harap ko!”
“Wag po! Sa akin lang umaasa ang pamilya ko, maawa na kayo sa akin mahal na prinsipe!”
*kaladkad ang katulong*
“Kayo dyan!”
“Anong ipag-uutos ng mahal naming prinsipe?” *bow*
“Gusto ko ng mapagkakatuwaan, nababagot na ako dito sa palasyo!”
“Tulad po ng ano?”
“Subukan nyo kayang magdala ng alipin na ipapakain sa buwaya o kaya mga mahikero pwede ring mga mananayaw. Ewan ko! Basta yung matutuwa ako! Bilisan nyo baka maisipan ko pang ipalapa kayo sa mga leon!”
*tarantang umalis ang mga katulong*
*Sa kwarto ng mahal na hari at reyna*
“Ginawa nya yon?”
“Opo mahal na hari.”
“Haaayyyy hindi ko na talaga alam ang gagawin natin sa prinsipe, napakasama ng ugali nya!”
“Mahal kong reyna wag ka nang malungkot hindi naman tayo nagkulang sa pangangaral sa kanya.”
“Hindi pwede to, dapat nang putulin ang sungay ng batang yan habang maaga pa. Ipatawag ang prinsipe!”
*kalahating oras ang nakalipas*
“Bakit ba ang tagal ng prinsipe!”
“Mahal kong reyna, huminahon ka lang.”
“Sino bang hindi iinit ang ulo kung may prinsipe kang matigas ang ulo!”
*bukas ang pinto*
“Pinatawag nyo daw po ako.” *walang gana*
“Bakit ba ang tagal mo.”
“Ang bagal kasi ng kabayo ko e.”
“Nangabayo ka sa loob ng palasyo, palapag lang ang layo mo sa amin a!”
“Kasalanan ko ba kung hindi marunong maging kabayo yung katulong natin?”
“Ginawa mong kabayo ang katulong natin?”
“Patawarin nawa ang anak ko.” *lahad ang kamay sa langit*
“Bakit ba kung anu-anong pinapagawa mo sa mga kasambahay natin?”
“Anong masama don, katulong sila di ba? Prinsipe ako! Lahat nakukuha ko, dahil ako ang pinaka sa lahat ng bagay!”
“Oo, kasama na don ang pinakamasamang prinsipe!”
“Ano naman? Pinakamagaling naman. Wala ngang makatalo sakin sa buong kaharian, nakakabagot na dito.”
“Walang makatalo ha! Sige makikita mo rin ang katapat mo, kaya maghanda ka.”
“Asa pa kayong may makakatalo sa akin.”
“Hindi mo pa nga talaga kilala ang inang reyna mo.” *evil grin*
O diba sabi ko na sa inyo masamang prinsipe yan e, ano? Ok lang sa inyo kung masama siya basta gwapo? Baliw ba kayo? Haissstt! O siya sundan nyo na lang ang kwento. Sa kabilang banda, lumaki namang maayos yung isang sanggol kahit wala siyang kinagisnang ina.
*sa barracks ng mga sundalo sa palasyo*
“Waaaahhh humanda ka sa akin Ross!!!!”
“Ang dami mong dada lumapit ka na lang!”
“Galingan nyo!!!! Woooooooo!!!!!”
Kasalukuyang naglalaban ang isang sundalo at isang bata, kung nagloload pa rin yang isip nyo at hindi nyo nagets kung sino yong bata, magpareformat ka na! Sumugod yung sundalo, fierce talaga! Suntok! Sumablay siya nakaiwas yung bata. Habang hindi nya pa nababawi yung kamay niya hinawakan ito nung bata sabay pinilipit saka pinatid yung paa ng sundalo para ma out of balance siya! Whooaaahh hindi pa tapos, habang nakaluhod yung sundalo tinuhod siya ng bata sa may baba sabay sipa sa mukha! Plakda!
At ang nanalo ay si
.
.
.
.
.
.
“Ang galing mo talaga Ross!”
“Oo nga walang makatalo sayo dito, mas matanda kami sayo pero wala kaming binatbat!”
“Tama na ang papuri nyo sa akin.” *lahad ang palad*
“Yung pinagpustahan natin, akin na.”
“Ikaw naman masyado kang atat.”
“Ibibigay nyo o itutulad ko kayo sa kanya.” *sabay tingin sa tinalong sundalo*
“A…aaa… eto na…walang labis walang kulang.”
“Tsss ibibigay din pala, pinatagal pa.” *sabay alis*
“Sa susunod ulit ha?!”
“Sige, kahit ilang ensayo pa ang gusto nyo!”
Nakapagpareformat na ba kayo? Ang mahirap na sanggol ay si Ross. Nagpapabayad siya sa mga sundalo kapalit ng pakikipaglaban nya sa kanila. Astig kasi siya! Magaling din makipaglaban! Ang tatay nya ay isa ring sundalo sa palasyo kaya dun siya natutong makipaglaban. Mabuti siyang bata maliban nalang sa pagiging MUKHANG PERA niya. Kung paano sila magkikita ng prinsipe ay isang malaking katanungan na mababasa nyo sa susunod na chapter! Kaya i-click mo na yung next chap para malaman mo na!
PLEASE SUPPORT MY STORIES: ANG OTAKUNG TEACHER at MY DEAR ANGEL ORB
BINABASA MO ANG
The King's Lover (completed)
RomanceAko ang PRINSIPENG malaki ang tiwala sa sarili. PINAKAMAGALING sa lahat ng bagay... pero nang dumating ang HAMPASLUPANG iyon nagduda na ako sa kakayahan ko. Ang PINAKAMALALA, pati sa PAGKALALAKI ko nagdududa na rin ako dahil sa KANYA!