FOURTH FIGHT: THE ONE HE CAN'T BEAT

2K 42 5
                                    

FOURTH FIGHT: THE ONE HE CAN’T BEAT

Mag fastforward na ulit tayo ng sampung taon. Nasa sandatahan na si Ross at lalo pa siyang humusay sa pakikipaglaban. Samantalang si Prinsipe Vie ay naging isang ganap na hari na dahil namatay sa sakit ang kanyang amang hari. Pero mali ang iniisip nyong makakaganti na siya kay Ross dahil nandyan pa rin ang reyna para pumagitna.

(POV: Haring Vie, pero Vie na lang ang awkward e!)

“Humanda kaaaaaaa!”

Wooosssshhh Tengggg

“Galingan mo naman, nakakatamad kang kalaban!”

Pak Pak Blag

“Hindi mo na ako matatalo ngayon!”

“Talaga? Asa ka pa!”

“Waaaaaaaaa”

Baaaammmmmm

“O pano ba yan talo ka na naman.”

“KAINIS!”

“Mag-ensayo ka nga muna bago mo ako hamunin.” *alis*

“Roossssss!!!”

“O ano?”

(>//////<) “Bukas ulit.”

“Ano pa bang magagawa ko, ikaw na ang hari namin. Kita nalang tayo.”

Nakakainis talaga! Ako na ang hari dito pero hindi pa rin ako makaganti sa lalaking yon! Ang inang reyna kasi nakabantay palagi. Mula ng makapasok siya sa kaharian, siya na lagi ang magaling! Palagi ko siyang hinahamon sa laban pero paulit-ulit nya akong tinatalo. Halimaw talaga siya!!! Pati sa mga babae tinatalo niya ako, dumadami na kasi ang nagkakagusto sa kanya buti na lang hindi siya mahilig sa babae… oo na hindi siya katulad kong babaero! Edi siya na anghel sana kunin na siya ng langit para ako na ulit ang pinakamagaling.

Pansin ko lang minsan kakaiiba ang kinikilos niya, madalas namang hindi nya ako kinikibo sapilitan nga lang kapag pumayag siyang maglaban kami pero may oras na ang init ng ulo niya sa akin. Ang alam ko wala na siyang kamag-anak simula nung namatay ang tatay nya sa digmaan pero itong mga nakalipas na taon umaalis siya sa kaharian buwan-buwan para dalawin ang isa nilang kamag-anak, siguro may tinatago siyang babae. Ayaw niya lang ipaalam sa akin dahil aagawin ko sa kanya ang babaeng yon pa lang makaganti. Mautak siya ha, kaya pala nakita ko siyang bumili ng pulseras sa pamilihan.

“Mahal na hariiiiiii!!!!!”

“Ahhhhhh! Nakakagulat kayo inang reyna! Bakit ba kayo sumisigaw?”

“Paano hindi ako sisigaw, kanina pa kita tinatawag hindi ka naman sumasagot. Sino na naman yang iniisip mo?”

“Wala lang, may kailangan po ba kayo?”

“Gusto ko sanang pag-usapan natin ang…”

“…ang pag-aasawa ko? Inang reyna naman e, ilang beses ko bang sasabihin ayaw ko pang mag-asawa!”

“Hindi tungkol don! Pwede ba patapusin mo muna ako sa pagsasalita!”

“Whoooaaa huminahon ka mahal na reyna!”

“Hayyyyy sumasakit talaga ang ulo ko sayo. Ang gusto kong pag-usapan ay tungkol sa digmaan ng ating kaharian.”

“tungkol po ba don?”

“Lumalala na ang digmaan at hindi ito nakabubuti para sa kaharian.”

“Saka ko na lang iisipin ang tungkol don marami pa kasi akong ginagawa.”

“Pero…”

“Mahal na reyna maaari mo na ba akong iwan?”

“Sige pero sa isang kundisyon.”

The King's Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon