SIXTH FIGHT: COLD WAR

1.3K 42 2
                                    

SIXTH FIGHT: COLD WAR

Sa palasyo ni Prinsesa Mishka

“Haring Vie, nalulugod akong makita ka muli.” *yakap na mahigpit with matching beso*

“Ako din, natutuwa akong makita ang magandang prinsesa Mishka.”

“Ikaw talaga ang galing mong mambola.” *mahinhing ngiti*

“Hindi kita binobola, maganda ka talaga.”

*napansin si Ross*

“At sino naman tong kasama mo? Isa bang kaibigan?”

“A…siya ba? Hindi kawal siya sa palasyo.”

*sabay alis ang dalawa, iniwan si Ross*

Nagkaroon ng salo-salo ang mga mahaharlika sa palasyo kasama si Vie. Syempre kapag handaan ng mga mayayaman dapat bongacious, madaming pagkain at mga bisita. Kaliwa’t kanan ang mga babae at alak. Medyo lango na si Vie kaya nilapitan na siya ni Ross para ayain nang magpahinga.

“Kamahalan, lasing na po kayo.”

“Hindi pa ako lasing, ano ka ba!”

“Magpahinga na po kayo.”

“Ayaw ko pa!”

*Umextra ang mga maharlikang mayayabang*

“Oy Vie! Hari ka na diba? Bakit hindi ka sinusunod ng tauhan mo!”

“Oo nga, ipakita mong makapangyarihan ka! Paalisin mo siya!”

“Mahal na hari…”

“Tama na! Wag mo nga akong pakialaman! Isa ka lang hamak na kawal! Sino ka para pagsabihan ang hari mo!!!! Lumayas ka sa harapan ko!!! Wag mo na ulit akong pakikialam kahit kailan!”

(POV: Ross)

Lahat ng sinabi nya sa akin ng gabing yon, nilunok kong lahat! Yung inabot kong kahihiyan sa lahat ng taong nandoon walang kapares. Kabutihan lang naman niya ang iniisip ko, kahit papaano naman napalapit na ako sa kanya. Sino bang hindi mapapalapit sa kanya, araw-araw ko siyang nakakasama, magkakilala na kami mula pa pagkabata tapos kung laitin niya ako sa harap ng ibang tao ganon na lang. Kahit lagi kaming nag-aaway tinuring ko naman siyang KAIBIGAN ko. Pero yung sabihan niya ako na hamak na kawal, talagang dinamdam ko yon. Ganon ba kababa ang tingin nya sa akin.Wala ba akong halaga sa kanya? Kahit konti lang? Sa pagitan naming dalawa ako lang ba ang nagmamalasakit. Ayoko na, sawa na ako sa ganito. Palagi na lang akong sumusunod sa mga utos ng haring wala namang pagpapahalaga sa mga taong iniisip ang kabutihan nya. Mabuti pa….

(POV: Vie)

Yung nangyari kagabi, hindi ko talaga sinasadya! Lasing kasi ako tapos naudyukan pa ng mga balasubas na yun kaya ko yun nasabi. Ang tanga tanga ko talaga! Nasaktan ko ata ang damdamin niya, malamang napahiya ko sya sa harap ng madaming tao. Pero hindi ko talaga sinasadya. Kanina pa siya walang kibo lalo tuloy akong nakokonsyensya. Humingi na kaya ako ng tawad? Ayoko nga!!! Bakit ako hihingi ng tawad? Ako ang hari, hindi ako magpapakumbaba sa kanya.Pero talagang nagsisisi ako sa ginawa ako, di bale bibigyan ko na lang siya ng gantimpala para makabawi ako.

*pagdating sa palasyo*

“Kamusta ang naging paglalakbay nyo?”

“Mabuti naman po ina.”

*reyna tingin kay Ross*

“Totoo ba ang sinabi niya?”

“Opo.” *walang reaksyon*

“Masaya akong marinig yan, maaari na kayong mamahinga ngayon. Alam kong napagod kayo sa paglalakbay.”

“Maraming salamat po.”

Sa pasilyo

“Hoy! Ross, tigil!” –Vie

*patuloy sa paglalakad*

“Hoy ano ba! Ang sabi ko tumigil ka!”

*tigil*

“Ipagpatawad nyo po mahal na hari.” *walang reaksyon*

“Kanina pa ako tawag nang tawag sayo pero hindi mo ako nililingon.”

“Pasensya na po.” *bow* *walang reaksyon*

“May gagawin ka ba mamaya?”

“Wala naman po, may ipag-uutos po kayo?” *cold*

“May salo-salo mamaya sa palasyo, gusto kong nandon ka.”

“Kung iyan po ang gusto nyo.” *cold* *sabay alis*

Bakit ganito sya ngayon? Napakalamig ng pakikitungo nya sa akin. Dati-rati sa tuwing tatawagin ko siya bigla nya akong sisigawan o kaya kapag uutusan ko siya, agad syang tatanggi pero kanina sumunod sya agad. Parang wala na syang pakialam sa akin.

DUG DUG…DUG DUG

Ano to, bakit parang naninikip ang dibdib ko? Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, sa tuwing makikita ko siya sumasaya ako pero ngayon ang sakit sa puso kapag hindi nya ako pinapansin. Ayoko ng ganito!

DUG DUG…DUG DUG

Bakit ba parang kinakabahan ako, natatakot ako sa isang bagay na posibleng mangyari, pero hindi ko alam kung anong bagay yon. Natatakot talaga ako.

Sa salo-salo

“Makinig ang lahat, may sasabihin ang hari!!!”

*Katahimikan*

“Una sa lahat nais kong pasalamatan kayong lahat na dumalo sa salo-salong ito.”

*palakpakan*

“Pero kung may taong higit na pasasalamatan, yun ay walang iba kundi ang magiting na si Ross. Palakpakan natin siya!”

*palakpakan*

“At dahil sa katapatan nya nais ko siyang pagkalooban ng gantimpala. Bibigyan ko sya ng isang baul ng mga ginto, isang lupain at itataas ko ang kanyang ranggo.”

*bulungan*

“Lumapit ka dito Ross.”

*lapit*

“Anong masasabi mo?”

*katahimikan*

“Wala akong masabi kamahalan…….” *bow sabay talikod*

“Ross?”

*tigil sa paglakad*

“Hindi ko alam na ganon talaga kababa ang tingin mo sa akin.”

Mabilis na naglalakad si Ross galing sa salo-salo. Lalo siyang nalungkot sa ginawa ni Vie kanina, alam naman kasi nyang gustong makabawi ni Vie sa ginawa nito pero ang suhulan sya ng kayamanan kapalit ng kapatawaran ang hindi nya matanggap. Ang sama-sama talaga ng pakiramdam nya, naririnig nyang hinahabol sya ni Vie pero hindi sya humihinto sa paglakad.

“Hooooyyyy huminto ka.”

*hawak sa braso*

“Ang sabi ko tumigil ka!”

“May kailangan po ba kayo mahal na hari?”

“Ano bang problema mo? Binigyan ka na nga ng pabuya ganyan pa ang igaganti mo sa akin.”

“Hindi ko naman hiniling yon sa inyo.”

“Galit ka pa ba sa nangyari?”

*hindi kumibo*

“Sus, para yun lang kinagagalit mo na.”

“Ano para yun lang? Ganon na lang yon? Hindi mo ba alam kung anong inabot kong kahihiyan don? Alam ko namang kawal lang ako, hindi mo naman kailangang ipamukha yon sa akin. Alam ko naman kung saan ako lulugar. Ngayon susuhulan mo ako ng kayamanan para makabawi ka sa ginawa mo? Ganon ba talaga kababa ang tingin mo sa akin?”

“Teka, hindi naman sa ganon.”

“Tama na, sawa na ako. Ayoko ko na.”

DUG DUG…DUG DUG…DUG DUG

“A…anong i…big”

PLEASE SUPPORT MY STORIES: ANG OTAKUNG TEACHER and MY DEAR ANGEL ORB

The King's Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon