Irene, Ang unang kwento

3.4K 14 1
                                    

SA LOOB NG COFFEE SHOP, HABANG HAWAK ANG MENU, nakaharap si Irene sa mga kabarkadang sina Brenda (payat na pero nagpapaoayat pa kaya baka tuluyan nang mag-dissappear), at Susan (laging nakangiti, parang walang problema sa mundo). Saka si Donald (squarish ang mukha at me goatee), ang lalaking katrabaho ni Susan sa call center, na ibina-blind date nito kay Irene. Sige na, Irene, sabi ni Susan. Sige na, show Donald!

Napatingin si Irene sa labas ng glass window. Doon ay walang sound na nahuhulog ang mga yellow confetti, parang umiindayog sa isang di marinig na melodiya sa hangin, sinasalubong ang wala ring sound na pagsisigawan ng mga ralyistang nagmamartsa sa kahabaan ng Ayala Avenue dala-dala ang malaking streamer na nagsasabing March for Truth.

Marami nang rally ang nagdaan sa buhay ni Irene. At maski na di siya kasali, kapag may nakikita siya, muli ay nagbabalik sa alaala niya, bisitang ayaw magpapigil, ang alaala ng isang rally labing-apat na taon na ang nakalilipas. Kaya sa gayon ay ipipilig niya ang kanyang ulo upang matanggal ang alaala.

Irene, come on! ulit ni Brenda

Bumalik ang tingin ni Irene sa mga kasamahan. Sige na nga, sabi niya, sabay tutok ng tingin sa first oage ng menu. Mabilis lang niyang binasa ang lahat ng nakasulat doon. Saka tumaas ang mukha niya mula sa pahina at ni-recite niya, walang labis walang kulang, lahat ng 23 putaheng nabasa, pati eksaktong presyo ng bawat isa.

Napanganga si Donald. You're not real! sabi nito nang malakas, me American twang, napatingin tuloy ang ibang tao sa restaurant, pati na na ang ralyista na pumasok para alukin silang sumama.

Tumawa sina Brenda at Susan. I told you! nagmamalaking sabi ni Susan kay Donald.

Pag naggu-grocery kami, dugtong niya, ke Irene na namin tinatanong ang presyo ng mga items, pati sum total!

Di mo na kelangan ng calculator, susog ni Brenda.

Napatingin uli sa rally sa labas ng glass window si Irene. Palayo na ito, dala-dala ang walang tunog nitong melodiya. Walang birthday na nakakalampas, narinig siyang sabi ni Susan, pati 'yung sa mga clients nila sa Golden Products, maski nga 'yung relatives pa ng mga clients nila!

She'a our Ms. FYI! natatawang sabi ni Brenda. Name it, she knows it!

Sige na, Irene, sabi ni Brenda sabay baling kay Irene, movie quotations naman!

Napangiwi si Irene at natatawang umiling. Kayo talaga, ginagawa n'yo 'kong entertainer! Pero sa isipan niya ay pumarada na ang mga linya, di niya napigilan at nagsasagutan. You're nothing but a second-rate trying but a second-rate trying hard copycat! Are you talking to me? Saging lang ang may puso. Walang himala! My brother is not a pig! He was my north, my south, my east and west. I'm just a girl standing in front of a boy, asking him to love me. Walang personalan, trabaho lang 'to. I'm the king of the world!

Pinilig niya uli ang ulo niya at parang mga basurang naglaglagan sa sahig ang mga linya. She is starting to feel like a freak. Ano'ng gagawin ni Donald, iuuwi siya sa Mommy nito, Mommy, look what I brought home, a freaking walking Internet!

Sabagay me advantage din naman ang ganitong me photographic memory. Dahil malalaki ang boobs niya, madalas dito lang nakatingin ang mga lalaki. Kaya ang gagawin niya, bigla niyang sasabihin sa ka-date-alam mo, an object that is behaving in a uniform manner is either continually at rest. Watch an arrow as it travels along its flight path. Clearly, at any instant, the arrow is occupying a given space. If it is occupying space, it must obviously be at rest there, in that given instant!

Mapapatanga ang lalaki at ang atensyon ay matatanggal na sa kanyang boobs.

Sa isang party minsan ay napakaipokrita at ang yayabang ng mga kaharap niyang bisitang puro bling-bling ang suot. Patalbugan nang patalbugan ng kuwento tungkol sa mga fashion shows sa mga 5-star hotel sa Europe. Out of the blue sinabi ni Irene, alam n'yo bang a pig's orgasm last 30 minutes? Napatigil sa ere ang tinidor ng isang matrona na me nakatusok nang pork chop. At ang lions naman, patuloy ni Irene, they can mate over 50 times a day. Nag-suicide ang party.

Para kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon