Pag-ibig na nagpapasaya sa atin
Nagpapangiti sa tuwing tayo ay umuuwi.
Nagpapalito sa ating mga damdamin
Ngunit sa huli ay saya pa din ang hatid.
Pag-ibig na ito'y nagbibigay din ng sakit
Nagpapaiyak sa atin araw at gabi.
Pasakit sa buhay kung ituring
Ng mga taong nasaktan ng pag-ibig.
Pag-ibig din ang nagbibigay dahilan nang tayo'y magbago.
Dahil sa sobrang sakit na iniwan
Natuto tayong magbago at lumaban
Para sa pusong minsan nang nasaktan.
Pag-ibig man ang dahilan kung bakit tayo sumasaya,
Pag-ibig man ang dahilan kung bakit tayo umiiyak,
Pag-ibig man ang dahilan kung bakit tayo nagbabago,
Sa huli, pag-ibig pa din ang bumubuhay sa ating mga tao.
