Wala naman talaga
Kung 'di lang dahil sa kanila.Kung noo'y ika'y isang hangin,
Ngayo'y ika'y isang malakas na ipo-ipo
Na kapag ika'y aking nakikita ay nagbibigay kaba sa akin
Sa posibilidad na baka kapag ako'y mapalapit sa'yo ay ako'y masaktan.Noo'y ika'y isang estranghero lamang
Ngunit ngayo'y parang ikaw na ang lahat.Noo'y ika'y parang multo lamang
Ngunit ngayo'y bawat galaw mo'y aki'y napapansin.Subalit saan patutungo ang aking nararamdaman
Kung alam ko namang ako para sayo'y isang hamak na tao lamang.
Hindi espesyal,
At lalong-lalo na't hindi ang iyong minamahal.