Nasobrahan

8 0 0
                                    

'Di ko alam kung kailan nagsimula
Tila ito'y sumulpot na lamang na parang isang himala.
'Di ko akalaing ako'y mahuhulog
Sa isang taong nahuhulog na para sa iba.

Ako'y umasa
Pero huli na't sapagkat wala na pala talaga akong pag-asa—
Pag-asang simula't sapul ko nang hinahawakan
At hindi ko pa rin binibitiwan.

Hindi naman siguro masamang humangad at umasa,
'Yun nga lang ako'y nasobrahan
At higit na nasaktan.

PoesiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon