Pighati

7 0 0
                                    

Nag-iisa't naghihinagpis
Sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan
Sa sulok ng kwartong madilim
Ibinubuhos lahat ng lungkot
Lahat ng pait
Lahat ng poot
Lahat ng nararamdamang nagdudulot ng sakit

Nag-iisa't naghihinagpis
Sa kanyang mga pisngi, luha niya'y namamalisbis
Walang tigil
Tila isang malakas na ulan na kung bumuhos ay walang humpay
Parang walang bukas

PoesiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon