Hinayaan ko sya. Tinitignan ko sya sa malayo, nakangiti sya hawak ang kamay ng iba. Hindi na sya yung nakilala ko, ibang iba na sya dahil ba sa apat na taon na ang nakalipas?
Natatandaan pa kaya nya ako? Naalala pa ba nya na mahal ko sya at ganun din sya sa akin? Hindi ko pa rin tinatapon yung singsing nating dalawa. Hindi pa rin kita makalimutan dahil bawat araw na wala ka parang dinudurog yung puso ko.
Tinititigan kita at para bang wala ako sayo. Nagulat ako nung nahuli mo akong nakatingin sayo, mahal pa kita Dominic. Mahal pa kita.
Nakita kong lalo mong hinawakan ang kamay nya at tinalikuran mo lang ako at bumulong ka sa tenga nya sabay lumayo.
Lumalabo ka sa paningin ko dahil ba sa unti unti ng umaagos ang luha ko? Dahil ba dapat ko ng sabihin sa puso ko na wala na talaga? Wala ng tayo..
Dominic, ikaw pa rin yung tibok nito. Sinuot ko na ang sumbrero ko at tumalikod palayo sayo.
Sisimulan ko ng mabuhay mag-isa na wala ka.

BINABASA MO ANG
My Royal Bride (Book 3)
RomancePaano kung hinayaan mo na lang ang panahon na magdikta ng Lovestory nyo? Makikijoin ka pa ba? Paano kung yung Promise nyo wala na palang halaga? Ipaglalaban mo pa ba? Mga wattpad Readers inaalay ko po ang pangatlo at Huling libro ng Royal Love ni Rh...